Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (76) Surah: Al-Isrā’
وَإِن كَادُواْ لَيَسۡتَفِزُّونَكَ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ لِيُخۡرِجُوكَ مِنۡهَاۖ وَإِذٗا لَّا يَلۡبَثُونَ خِلَٰفَكَ إِلَّا قَلِيلٗا
Talaga ngang kamuntik na ang mga tagatangging sumampalataya na bumulahaw sa iyo dahil sa pagkamuhi nila sa iyo upang magpalabas sila sa iyo mula sa Makkah subalit pumigil sa kanila si Allāh sa pagpapalabas sa iyo hanggang sa lumikas ka ayon sa utos ng Panginoon mo. Kung sakaling nakapagpalabas sila sa iyo ay hindi sana sila nanatili matapos ng pagpapalabas sa iyo maliban sa isang maikling panahon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• في الآيات دليل على شدة افتقار العبد إلى تثبيت الله إياه، وأنه ينبغي له ألا يزال مُتَمَلِّقًا لربه أن يثبته على الإيمان.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay sa tindi ng pangangailangan ng tao sa pagpapatatag ni Allāh sa kanya at nararapat para sa kanya na hindi tumigil bilang nagsusumamo sa Panginoon niya na patatagin siya sa pananampalataya.

• عند ظهور الحق يَضْمَحِل الباطل، ولا يعلو الباطل إلا في الأزمنة والأمكنة التي يكسل فيها أهل الحق.
Sa sandali ng pagkalantad ng katotohanan ay nagmamaliw ang kabulaanan. Hindi tumataas ang kabulaanan maliban sa mga panahon at mga pook na tinatamad sa mga ito ang mga alagad ng katotohanan.

• الشفاء الذي تضمنه القرآن عام لشفاء القلوب من الشُّبَه، والجهالة، والآراء الفاسدة، والانحراف السيئ والمقاصد السيئة.
Ang pagpapagaling na nilalaman ng Qur'ān ay pangkalahatan para sa pagpapagaling sa mga puso mula sa maling akala, kamangmangan, mga sirang pananaw, paglihis na masagwa, at mga pakay na masagwa.

• في الآيات دليل على أن المسؤول إذا سئل عن أمر ليس في مصلحة السائل فالأولى أن يعرض عن جوابه، ويدله على ما يحتاج إليه، ويرشده إلى ما ينفعه.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may isang patunay na ang tinatanong, kapag tinanong tungkol sa isang bagay na hindi kaugnay sa kapakanan ng tagapagtanong, ang higit na karapat-dapat ay na umayaw sa pagsagot, akayin ito sa kinakailangan nito, at gabayan ito tungo sa magpapakinabang dito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (76) Surah: Al-Isrā’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara