Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (8) Surah: Al-Isrā’
عَسَىٰ رَبُّكُمۡ أَن يَرۡحَمَكُمۡۚ وَإِنۡ عُدتُّمۡ عُدۡنَاۚ وَجَعَلۡنَا جَهَنَّمَ لِلۡكَٰفِرِينَ حَصِيرًا
Inaasahan ang Panginoon ninyo, O mga anak ni Israel, na maawa sa inyo matapos ng matinding paghihiganting ito, kung magbabalik-loob kayo sa Kanya kayo at magpapaganda kayo ng mga gawain ninyo. Kung babalik kayo sa panggugulo sa ikatlong pagkakataon o higit pa ay babalik Siya sa paghihiganti sa inyo. Gumawa si Allāh sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya sa Kanya bilang higaan at bilang himlayang hindi nila maiiwan-iwan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• من اهتدى بهدي القرآن كان أكمل الناس وأقومهم وأهداهم في جميع أموره.
Ang sinumang napatnubayan ng patnubay ng Qur'ān, siya ay naging pinakalubos sa mga tao, pinakatuwid sa kanila, at pinakanapatnubayan sa kanila sa lahat ng mga nauukol sa kanya.

• التحذير من الدعوة على النفس والأولاد بالشر.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagdalangin ng masama laban sa sarili at mga anak.

• اختلاف الليل والنهار بالزيادة والنقص وتعاقبهما، وضوء النهار وظلمة الليل، كل ذلك دليل على وحدانية الله ووجوده وكمال علمه وقدرته.
Ang pag-iiba-iba ng gabi at maghapon dahil sa pagkadagdag at pagkabawas, pagsasalita ng dalawang ito, tanglaw ng maghapon, at dilim ng gabi, ang lahat ng iyon ay patunay sa kaisahan ni Allāh, kairalan Niya, at kalubusan ng kaalaman Niya at kakayahan Niya.

• تقرر الآيات مبدأ المسؤولية الشخصية، عدلًا من الله ورحمة بعباده.
Pinagtitibay ng mga talata ng Qur'ān ang simulain ng personal na pananagutan bilang katarungan mula kay Allāh at bilang awa sa mga lingkod Niya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (8) Surah: Al-Isrā’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara