Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Kahf   Ayah:
فَلَمَّا جَاوَزَا قَالَ لِفَتَىٰهُ ءَاتِنَا غَدَآءَنَا لَقَدۡ لَقِينَا مِن سَفَرِنَا هَٰذَا نَصَبٗا
Kaya noong nakalagpas silang dalawa sa pook na iyon ay nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa tagapaglingkod niya: "Dalhin mo sa atin ang pagkain ng umaga. Talaga ngang dumanas tayo mula sa paglalakbay nating ito ng isang matinding pagod."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ أَرَءَيۡتَ إِذۡ أَوَيۡنَآ إِلَى ٱلصَّخۡرَةِ فَإِنِّي نَسِيتُ ٱلۡحُوتَ وَمَآ أَنسَىٰنِيهُ إِلَّا ٱلشَّيۡطَٰنُ أَنۡ أَذۡكُرَهُۥۚ وَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ عَجَبٗا
Nagsabi ang bata: "Nakita mo ba ang nangyari nang dumulog tayo sa bato sapagkat tunay na ako ay nakalimot na bumanggit sa iyo patungkol sa isda? Walang nagpalimot sa akin na bumanggit niyon sa iyo kundi ang demonyo. Nabuhay nga ang isda at gumawa iyon para sa sarili niyon ng isang daan sa dagat, na nag-uudyok sa pagtataka."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ ذَٰلِكَ مَا كُنَّا نَبۡغِۚ فَٱرۡتَدَّا عَلَىٰٓ ءَاثَارِهِمَا قَصَصٗا
Nagsabi si Moises sa tagapaglingkod niya: "Iyon ay ang dati na nating ninanais sapagkat iyon ay palatandaan ng pook ng maayos na lingkod." Kaya nanumbalik silang dalawa habang sinusundan nilang dalawa ang mga bakas ng mga paa nilang dalawa upang hindi silang dalawa mawala palayo sa daan hanggang sa nagwakas silang dalawa sa bato at mula roon patungo sa pinasukan ng isda.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَوَجَدَا عَبۡدٗا مِّنۡ عِبَادِنَآ ءَاتَيۡنَٰهُ رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَا وَعَلَّمۡنَٰهُ مِن لَّدُنَّا عِلۡمٗا
Kaya noong dumating silang dalawa sa pook ng pinaglahuan ng isda, nakatagpo silang dalawa roon ng isang lingkod kabilang sa mga lingkod Naming mga maayos. (Siya ay si Al-Khiḍr – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.) Nagbigay Kami sa kanya ng awa mula sa ganang Amin at nagturo Kami sa kanya mula sa ganang Amin ng kaalaman, na hindi nakababatid dito ang mga tao. Iyan ay ang nilaman ng kasaysayang ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰ هَلۡ أَتَّبِعُكَ عَلَىٰٓ أَن تُعَلِّمَنِ مِمَّا عُلِّمۡتَ رُشۡدٗا
Nagsabi sa kanya si Moises sa pagpapakumbaba at pagkamabait: "Susunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo ni Allāh na kaalaman na isang paggabay tungo sa katotohanan?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا
Nagsabi si Al-Khiḍr: "Tunay na ikaw ay hindi kakaya sa pagtitiis sa makikita mula sa kaalaman ko dahil iyon ay hindi sumasang-ayon sa taglay mo na kaalaman.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَكَيۡفَ تَصۡبِرُ عَلَىٰ مَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ خُبۡرٗا
Papaano kang magtitiis sa makikita mo na mga gawain na hindi ka naman nakaaalam sa aspeto ng pagkatama kaugnay sa mga ito dahil ikaw ay hahatol sa mga ito sa abot ng kaalaman mo?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ صَابِرٗا وَلَآ أَعۡصِي لَكَ أَمۡرٗا
Nagsabi si Moises: "Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na isang magtitiis sa makikita ko mula sa iyo na mga gawain habang nanatili sa pagtalima sa iyo at hindi ako susuway sa iyo ng isang utos na ipag-uutos mo sa akin."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ فَإِنِ ٱتَّبَعۡتَنِي فَلَا تَسۡـَٔلۡنِي عَن شَيۡءٍ حَتَّىٰٓ أُحۡدِثَ لَكَ مِنۡهُ ذِكۡرٗا
Nagsabi si Al-Khiḍr kay Moises: "Kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay kabilang sa masasaksihan mo sa akin na isasagawa ko hanggang sa ako ay maging ang tagapasimula sa paglilinaw ng dahilan nito."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا رَكِبَا فِي ٱلسَّفِينَةِ خَرَقَهَاۖ قَالَ أَخَرَقۡتَهَا لِتُغۡرِقَ أَهۡلَهَا لَقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـًٔا إِمۡرٗا
Kaya noong napagkaisahan nilang dalawa iyon, humayo silang dalawa patungo sa baybayin ng dagat hanggang sa nakatagpo silang dalawa ng isang daong. Kaya sumakay silang dalawa roon nang walang upa bilang pagpaparangal kay Al-Khiḍr ngunit binutas ni Al-Khiḍr ang daong sa pamamagitan ng pagtuklap sa isa sa mga tabla nito. Kaya nagsabi sa kanya si Moises: "Binutas mo ba ang daong na nagpalulan sa atin ang may-ari nito sa loob nito nang walang upa, sa pag-asang lunurin mo ang may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na sukdulan."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ أَلَمۡ أَقُلۡ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا
Nagsabi si Al-Khiḍr kay Moises: "Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi kakaya sa akin sa pagtitiis sa makikita mo mula sa akin?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ لَا تُؤَاخِذۡنِي بِمَا نَسِيتُ وَلَا تُرۡهِقۡنِي مِنۡ أَمۡرِي عُسۡرٗا
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kay Al-Khiḍr : "Huwag kang manisi sa akin dahilan sa pagkaiwan ko sa pangako sa iyo dala ng pagkalimot, huwag kang gumipit sa akin, at huwag kang magpahigpit sa pagsama ko."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا لَقِيَا غُلَٰمٗا فَقَتَلَهُۥ قَالَ أَقَتَلۡتَ نَفۡسٗا زَكِيَّةَۢ بِغَيۡرِ نَفۡسٖ لَّقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـٔٗا نُّكۡرٗا
Kaya humayo silang dalawa matapos ng pagbaba nilang dalawa mula sa daong para maglakad sa baybayin, saka nakakita silang dalawa ng isang batang lalaking hindi pa tumuntong sa pagbibinata, na naglalaro kasama ng mga batang lalaki. Pinatay iyon ni Al-Khiḍr kaya nagsabi sa kanya si Moises: "Pumatay ka ba ng isang kaluluwang malinis na hindi pa tumuntong sa pagbibinata nang walang anumang pagkakasala? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na minamasama!"
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• استحباب كون خادم الإنسان ذكيًّا فطنًا كَيِّسًا ليتم له أمره الذي يريده.
Ang pagtuturing na kaibig-ibig na ang tagapaglingkod ng tao ay maging matalino, matalas, at mahusay upang malubos para sa amo ang utos niyang ninanais niya.

• أن المعونة تنزل على العبد على حسب قيامه بالمأمور به، وأن الموافق لأمر الله يُعان ما لا يُعان غيره.
Na ang tulong ay bumababa sa tao ayon sa pagsasagawa niya ng ipinag-uutos sa kanya at na ang umaalinsunod sa utos ni Allāh ay tinutulungan ng hindi itinutulong sa iba pa sa kanya.

• التأدب مع المعلم، وخطاب المتعلم إياه ألطف خطاب.
Ang pagpapakamagalang sa tagapagturo at ang pakikipag-usap ng tagapag-aral sa kanya sa pinakamabait na pakikipag-usap.

• النسيان لا يقتضي المؤاخذة، ولا يدخل تحت التكليف، ولا يتعلق به حكم.
Ang pagkalimot ay hindi humihiling ng paninisi, ni napaloloob sa ilalim ng pananagutan, ni may nakaugnay rito na isang kahatulan.

• تعلم العالم الفاضل للعلم الذي لم يَتَمَهَّر فيه ممن مهر فيه، وإن كان دونه في العلم بدرجات كثيرة.
Ang pag-aaral ng maalam na nakalalamang ng kaalamang hindi siya nagpakadalubhasa roon mula sa isang dalubhasa roon kahit pa man ito ay mababa sa kanya sa kaalaman sa maraming antas.

• إضافة العلم وغيره من الفضائل لله تعالى، والإقرار بذلك، وشكر الله عليها.
Ang pag-uugnay kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ng kaalaman at iba pa rito kabilang sa mga kalamangan, ang pagkilala niyon, at ang pagpapasalamat kay Allāh roon.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Kahf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara