Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (31) Surah: Al-Kahf
أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُ يُحَلَّوۡنَ فِيهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٖ وَيَلۡبَسُونَ ثِيَابًا خُضۡرٗا مِّن سُندُسٖ وَإِسۡتَبۡرَقٖ مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۚ نِعۡمَ ٱلثَّوَابُ وَحَسُنَتۡ مُرۡتَفَقٗا
Ang mga nailalarawang iyon sa [pagtataglay ng] pananampalataya at paggawa ng mga gawaing maayos ay ukol sa kanila ang mga hardin ng pananatili, na mananatili sila sa mga iyon magpakailanman. Dumadaloy mula sa ilalim ng mga tuluyan nila ang mga matamis na ilog ng Paraiso. Gagayakan sila roon ng mga pulseras mula sa ginto at magdadamit sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla. Sasandig sila sa mga sopang ginayakan ng mga marikit na tabing. Kay ganda ang gantimpala bilang gantimpala sa kanila at kay ganda ang Paraiso bilang tuluyan at bilang pinanatilihang pananatilihan nila!
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• فضيلة صحبة الأخيار، ومجاهدة النفس على صحبتهم ومخالطتهم وإن كانوا فقراء؛ فإن في صحبتهم من الفوائد ما لا يُحْصَى.
Ang kainaman ng pakikisama sa mga mabuti at ang pagpupunyagi sa sarili sa pakikisama sa kanila at pakikihalubilo sa kanila kahit sila ay mga maralita sapagkat tunay na sa pakikisama sa kanila ay may mga pakinabang na hindi mabibilang.

• كثرة الذكر مع حضور القلب سبب للبركة في الأعمار والأوقات.
Ang dalas ng pag-alaala [kay Allāh] kalakip ng pagdalo ng puso ay isang kadahilanan para sa pagpapala sa mga buhay at mga oras.

• قاعدتا الثواب وأساس النجاة: الإيمان مع العمل الصالح؛ لأن الله رتب عليهما الثواب في الدنيا والآخرة.
Ang dalawang panuntunan ng gantimpala at ang pundasyon ng kaligtasan ay ang pananampalataya kasama ng gawang maayos dahil si Allāh ay nagparesulta dahil sa dalawang ito ng gantimpala sa Mundo at Kabilang-buhay.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (31) Surah: Al-Kahf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara