Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (54) Surah: Al-Kahf
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لِلنَّاسِ مِن كُلِّ مَثَلٖۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَكۡثَرَ شَيۡءٖ جَدَلٗا
Talaga ngang naglinaw Kami at nagsarisari Kami sa Qur’ān na ito na pinababa kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng marami sa mga uri ng mga paghahalimbawa upang magsaalaala sila at mapangaralan sila subalit ang tao – lalo na ang tagatangging sumampalataya – ay pinakamadalas na bagay sa paglalantad ng pakikipagtalo sa hindi katotohanan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• عظمة القرآن وجلالته وعمومه؛ لأن فيه كل طريق موصل إلى العلوم النافعة، والسعادة الأبدية، وكل طريق يعصم من الشر.
Ang kadakilaan ng Qur'ān, ang kapitaganan nito, at ang pagkapangkalahatan nito dahil narito ang bawat daang nagpaparating sa mga kaalamang napakikinabangan at kaligayahang walang-hanggan, at ang bawat daan na nangangalaga laban sa kasamaan.

• من حكمة الله ورحمته أن تقييضه المبطلين المجادلين الحق بالباطل من أعظم الأسباب إلى وضوح الحق، وتبيُّن الباطل وفساده.
Bahagi ng karunungan ni Allāh at awa Niya na ang pagtatalaga Niya sa mga tagapagpabulang nakikipagtalo sa katotohanan sa pamamagitan ng kabulaanan ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan tungo sa kaliwanagan ng katotohanan at pagkalinaw ng kabulaanan at kaguluhan nito.

• في الآيات من التخويف لمن ترك الحق بعد علمه أن يحال بينه وبين الحق، ولا يتمكن منه بعد ذلك، ما هو أعظم مُرَهِّب وزاجر عن ذلك.
May nasaad sa mga talata [ng Qur'ān] na pagpapangamba sa sinumang nag-iwan sa katotohanan matapos ng pagkaalam niya na may hahadlang sa pagitan niya at ng katotohanan at hindi makakaya rito matapos niyon ang pinakasukdulang tagapagpangilabot at tagapagtulak niyon.

• فضيلة العلم والرحلة في طلبه، واغتنام لقاء الفضلاء والعلماء وإن بعدت أقطارهم.
Ang kahigitan ng kaalaman, ang paglalakbay sa paghahanap nito, ang pagsamantala sa pakikipagtagpo sa mga nakalalamang at mga nakaaalam kahit pa man naging malayo ang mga lugar nila.

• الحوت يطلق على السمكة الصغيرة والكبيرة ولم يرد في القرآن لفظ السمك، وإنما ورد الحوت والنون واللحم الطري.
Ang ḥūt ay itinataguri sa isdang maliit at malaki. Hindi nasaad sa Qu'rān ang katagang samak. Tanging ang nasaad ay ang ḥūt, ang nūn, at ang sariwang laman.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (54) Surah: Al-Kahf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara