Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (7) Surah: Al-Kahf
إِنَّا جَعَلۡنَا مَا عَلَى ٱلۡأَرۡضِ زِينَةٗ لَّهَا لِنَبۡلُوَهُمۡ أَيُّهُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗا
Tunay na Kami ay gumawa sa anumang nasa ibabaw ng lupa na mga nilikha bilang karikitan para rito upang sumulit Kami sa kanila kung alin sa kanila ang pinakamaganda sa gawa ayon sa nagpapalugod sa Amin at kung alin sa kanila ang pinakamasagwa sa gawa upang gumanti Kami sa bawat isa ayon sa nagiging karapat-dapat dito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الداعي إلى الله عليه التبليغ والسعي بغاية ما يمكنه، مع التوكل على الله في ذلك، فإن اهتدوا فبها ونعمت، وإلا فلا يحزن ولا يأسف.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ay kailangan sa kanya ang pagpapaabot at ang pagsusumikap ayon sa abot ng nakakaya niya kalakip ng pananalig kay Allāh roon. Kaya kung napatnubayan sila ay kay inam. Kung hindi naman ay huwag siyang malungkot at huwag siyang manghinayang.

• في العلم بمقدار لبث أصحاب الكهف، ضبط للحساب، ومعرفة لكمال قدرة الله تعالى وحكمته ورحمته.
Sa kaalaman sa sukat ng tagal ng pamamalagi ng magkakasama sa yungib ay may kawastuan sa pagtutuos at kabatiran sa kalubusan ng kakayahan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – karunungan Niya, at awa Niya.

• في الآيات دليل صريح على الفرار بالدين وهجرة الأهل والبنين والقرابات والأصدقاء والأوطان والأموال؛ خوف الفتنة.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay na tahasan [sa pagpapahintulot] sa pagtakas dahil sa relihiyon at pag-iwan sa mag-anak, mga anak, mga kamag-anakan, mga kaibigan, mga tinubuang-bayan, at mga yaman dahil sa pangamba sa paniniil.

• ضرورة الاهتمام بتربية الشباب؛ لأنهم أزكى قلوبًا، وأنقى أفئدة، وأكثر حماسة، وعليهم تقوم نهضة الأمم.
Ang pangangailangan sa pagmamalasakit sa pagpapalaki sa mga kabataan dahil sila ay higit na dalisay sa mga puso, higit na malinis sa mga saloobin, higit na matindi sa kasugiran, at sa kanila nakasalalay ang pagbangon ng mga kalipunan.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (7) Surah: Al-Kahf
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara