Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (35) Surah: Maryam
مَا كَانَ لِلَّهِ أَن يَتَّخِذَ مِن وَلَدٖۖ سُبۡحَٰنَهُۥٓۚ إِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Hindi nararapat para kay Allāh na gumawa Siya ng anumang anak – kabanal-banalan Siya para roon at nagpawalang-kaugnayan Siya. Kapag nagpasya Siya ng isang bagay ay makasasapat lamang sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na magsabi Siya sa bagay na iyon na mangyari saka mangyayari iyon nang walang pasubali. Kaya ang sinumang ganyan, Siya ay napawawalang-kaugnayan sa anak.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• في أمر مريم بالسكوت عن الكلام دليل على فضيلة الصمت في بعض المواطن .
Sa pag-uutos kay Maria ng pananahimik sa pagsasalita ay may patunay sa kalamangan ng pananahimik sa ilan sa mga kalagayan.

• نذر الصمت كان جائزًا في شرع من قبلنا، أما في شرعنا فقد دلت السنة على منعه.
Ang pamamanata ng pananahimik ay pinapayagan noon sa batas ng mga bago natin. Hinggil naman sa batas natin, nagpahiwatig ang Sunnah sa pagbabawal niyon.

• أن ما أخبر به القرآن عن كيفية خلق عيسى هو الحق القاطع الذي لا شك فيه، وكل ما عداه من تقولات باطل لا يليق بالرسل.
Na ang ipinabatid ng Qur'ān tungkol sa pamamaraan ng paglikha kay Jesus ay ang katotohanang tiyakan na walang pagdududa hinggil dito. Ang lahat ng iba pa rito na mga pinagsasabi-sabi ay kabulaanang hindi naaangkop sa mga sugo.

• في الدنيا يكون الكافر أصم وأعمى عن الحق، ولكنه سيبصر ويسمع في الآخرة إذا رأى العذاب، ولن ينفعه ذلك.
Sa Mundo, ang tagatangging sumampalataya ay nagiging bingi at bulag sa katotohanan subalit siya ay makakikita at makaririnig sa Kabilang-buhay kapag nakita niya ang pagdurusa at hindi magpapakinabang sa kanya iyon.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (35) Surah: Maryam
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara