Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (67) Surah: Maryam
أَوَلَا يَذۡكُرُ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن قَبۡلُ وَلَمۡ يَكُ شَيۡـٔٗا
Hindi ba nagsasaalaala ang tagapagkailang ito sa pagkabuhay na Kami ay lumikha sa kanya bago pa niyan samantalang hindi siya dati isang bagay? Saka ipinampatunay niya ang unang paglikha sa ikalawang paglikha gayong ang ikalawang paglikha ay higit na madali at higit na magaan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• على المؤمنين الاشتغال بما أمروا به والاستمرار عليه في حدود المستطاع.
Kailangan sa mga mananampalataya ang pagpapakaabala sa ipinag-utos sa kanila at ang pagpapatuloy rito ayon sa mga abot ng makakaya.

• وُرُود جميع الخلائق على النار - أي: المرور على الصراط، لا الدخول في النار - أمر واقع لا محالة.
Ang pagpunta ng lahat ng mga nilikha sa ibabaw ng Apoy – ang pagdaan sa ibabaw ng landasin, hindi ang pagpasok sa Apoy – ay isang bagay na magaganap nang walang mapasusubalian.

• أن معايير الدين ومفاهيمه الصحيحة تختلف عن تصورات الجهلة والعوام.
Na ang mga sukatan ng relihiyon at ang mga konsepto nitong tumpak ay naiiba sa mga pagkakatalos ng mga mangmang at mga madlang tao.

• من كان غارقًا في الضلالة متأصلًا في الكفر يتركه الله في طغيان جهله وكفره، حتى يطول اغتراره، فيكون ذلك أشد لعقابه.
Ang sinumang nalulunod sa kaligawan at nag-uugat sa kawalang-pananampalataya ay iiwan ni Allāh sa pagmamalabis ng kamangmangan niya at kawalang-pananampalataya niya hanggang sa magtagal ang pagkalinlang niya kaya iyon ay magiging higit na matindi para sa parusa sa kanya.

• يثبّت الله المؤمنين على الهدى، ويزيدهم توفيقًا ونصرة، وينزل من الآيات ما يكون سببًا لزيادة اليقين مجازاةً لهم.
Nagpapatatag si Allāh sa mga mananampalataya sa patnubay, nagdaragdag Siya sa kanila ng pagtutuon at pag-aadya, at nagbaba Siya ng mga tanda na nagiging isang kadahilanan ng pagkadagdag ng katiyakan bilang pagganti sa kanila.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (67) Surah: Maryam
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara