Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (118) Surah: Al-Baqarah
وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ لَوۡلَا يُكَلِّمُنَا ٱللَّهُ أَوۡ تَأۡتِينَآ ءَايَةٞۗ كَذَٰلِكَ قَالَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِم مِّثۡلَ قَوۡلِهِمۡۘ تَشَٰبَهَتۡ قُلُوبُهُمۡۗ قَدۡ بَيَّنَّا ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمٖ يُوقِنُونَ
Nagsabi ang mga hindi nakaaalam kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal dala ng pagmamatigas sa katotohanan: "Bakit hindi kumakausap sa atin si Allāh nang walang isang tagapagpagitna o may pumupunta sa atin na isang palatandaang pisikal na natatangi sa atin?" Ang tulad sa sabi nilang ito ay sinabi ng mga kalipunang tagapagpasinungaling, bago pa niyan, sa mga sugo ng mga ito, kahit pa man nagkaiba-iba ang mga panahon nila at ang mga pook nila. Nagkawangisan ang mga puso ng mga ito sa mga puso ng mga nauna sa kanila sa kawalang-pananampalataya, pagmamatigas, at pagpapakapalalo. Nagpalinaw nga Kami ng mga tanda para sa mga taong nakatitiyak sa katotohanan. Kapag lumitaw ito sa kanila ay walang dumadapo sa kanila na isang pagdududa at walang pumipigil sa kanila na isang pagmamatigas.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الكفر ملة واحدة وإن اختلفت أجناس أهله وأماكنهم، فهم يتشابهون في كفرهم وقولهم على الله بغير علم.
Ang kawalang-pananampalataya ay iisang kapaniwalaan, kahit pa nagkaiba-iba ang mga uri ng mga alagad nito at ng mga pook nila sapagkat sila ay nagkakahawigan sa kawalang-pananampalataya nila at pagsasabi nila laban kay Allāh nang walang kaalaman.

• أعظم الناس جُرْمًا وأشدهم إثمًا من يصد عن سبيل الله، ويمنع من أراد فعل الخير.
Ang pinakasukdulan sa mga tao sa krimen at ang pinakamatindi sa kanila sa kasalanan ay ang sinumang sumasagabal sa landas ni Allāh at pumipigil sa sinumang nagnais ng paggawa ng kabutihan.

• تنزّه الله تعالى عن الصاحبة والولد، فهو سبحانه لا يحتاج لخلقه.
Pagkalayu-layo si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagkakaroon ng asawa at anak sapagkat Siya ay hindi nangangailangan ng nilikha Niya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (118) Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara