Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (183) Surah: Al-Baqarah
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيۡكُمُ ٱلصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, inobliga sa inyo ang pag-aayuno mula sa Panginoon ninyo kung paanong inobliga ito sa mga kalipunan bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paglagay ninyo sa pagitan ninyo at ng pagdurusang dulot Niya ng isang pananggalang sa pamamagitan ng mga gawang maayos, na kabilang sa pinakamabigat sa mga ito ay ang pag-aayuno.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• فَضَّلَ الله شهر رمضان بجعله شهر الصوم وبإنزال القرآن فيه، فهو شهر القرآن؛ ولهذا كان النبي صلى الله عليه وسلم يتدارس القرآن مع جبريل في رمضان، ويجتهد فيه ما لا يجتهد في غيره.
Nagtangi si Allāh sa buwan ng Ramaḍān sa pamamagitan ng paggawa rito bilang buwan ng pag-aayuno at sa pamamagitan ng pagpapababa ng Qur'ān dito kaya ito ay buwan ng Qur'ān. Dahil dito, ang Propeta noon – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay nakikipag-aralan ng Qur'ān kay Anghel Gabriel sa Ramaḍān at nagsisipag dito ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.

• شريعة الإسلام قامت في أصولها وفروعها على التيسير ورفع الحرج، فما جعل الله علينا في الدين من حرج.
Ang Batas ng Islām ay nakatayo sa mga ugat nito at mga sangay nito batay sa pagpapaginhawa at pag-aalis ng pahirap sapagkat hindi gumawa si Allāh sa atin sa Relihiyon ng anumang pahirap.

• قُرْب الله تعالى من عباده، وإحاطته بهم، وعلمه التام بأحوالهم؛ ولهذا فهو يسمع دعاءهم ويجيب سؤالهم.
Ang lapit ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga lingkod Niya, ang pagkakasaklaw Niya sa kanila, at ang kaalaman Niyang lubos sa mga kalagayan nila, at dahil dito Siya ay dumidinig sa panalangin nila at sumasagot sa hiling nila.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (183) Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara