Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (199) Surah: Al-Baqarah
ثُمَّ أَفِيضُواْ مِنۡ حَيۡثُ أَفَاضَ ٱلنَّاسُ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Pagkatapos lumisan kayo mula sa `Arafāt gaya ng ginagawa ng mga taong tumutulad kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – hindi gaya ng ginagawa ng sinumang hindi tumitigil doon kabilang sa mga tao ng Panahon ng Kamangmangan. Humiling kayo ng kapatawaran mula kay Allāh sa pagkukulang ninyo sa pagsasagawa ng isinabatas Niya; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• يجب على المؤمن التزود في سفر الدنيا وسفر الآخرة، ولذلك ذكر الله أن خير الزاد هو التقوى.
Kinakailangan sa mananampalataya ang magbaon sa paglalakbay sa Mundo at paglalakbay sa Kabilang-buhay, at dahil doon ay binanggit ni Allāh na ang pinakamabuting baon ay ang pangingilag magkasala.

• مشروعية الإكثار من ذكر الله تعالى عند إتمام نسك الحج.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpaparami ng pag-alaala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa sandali ng paglulubos sa gawaing-pagsamba ng ḥajj

• اختلاف مقاصد الناس؛ فمنهم من جعل همّه الدنيا، فلا يسأل ربه غيرها، ومنهم من يسأله خير الدنيا والآخرة، وهذا هو الموفَّق.
Ang pagkakaiba-iba ng mga pakay ng mga tao kaya mayroon sa kanila na ginawang alalahanin niya ang Mundo kay hindi humihiling sa Panginoon niya ng iba pa rito at mayroon sa kanila na humihiling ng mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay, at ito ay ang naitutuon sa tama.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (199) Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara