Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (234) Surah: Al-Baqarah
وَٱلَّذِينَ يُتَوَفَّوۡنَ مِنكُمۡ وَيَذَرُونَ أَزۡوَٰجٗا يَتَرَبَّصۡنَ بِأَنفُسِهِنَّ أَرۡبَعَةَ أَشۡهُرٖ وَعَشۡرٗاۖ فَإِذَا بَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ فِيمَا فَعَلۡنَ فِيٓ أَنفُسِهِنَّ بِٱلۡمَعۡرُوفِۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Ang mga mamamatay at mag-iiwan sa pagkamatay nila ng mga maybahay na hindi mga buntis ay maghihintay ang mga maybahay sa mga sarili ng mga ito bilang tungkulin ng yugtong apat na buwan at sampung araw, habang nagpipigil sa panahong iyon sa paglabas mula sa bahay ng asawa, sa paggayak, at sa pag-aasawa. Kapag nagwakas ang yugtong ito, walang kasalanan sa inyo, O mga tagatangkilik, sa anumang ginawa nila sa mga sarili nila na dating ipinagbabawal sa kanila sa yugtong iyon, ayon sa paraang nakabubuti batay sa batas at kaugalian. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa inilalantad ninyo at inililingid ninyo. Gaganti Siya sa inyo roon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• مشروعية العِدة على من توفي عنها زوجها بأن تمتنع عن الزينة والزواج مدة أربعة أشهر وعشرة أيام.
Ang pagkaisinasabatas ng `iddah sa babaing pinanawan ng asawa sa pamamagitan ng pagpipigil sa paggagayak at pag-aasawa sa yugto ng apat na buwan at sampung araw.

• معرفة المؤمن باطلاع الله عليه تَحْمِلُه على الحذر منه تعالى والوقوف عند حدوده.
Ang pagkakaalam ng mananampalataya sa pagkakabatid ni Allāh sa kanya ay nag-uudyok sa kanya sa pag-iingat kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at pagtigil sa mga hangganan Niya.

• الحث على المعاملة بالمعروف بين الأزواج والأقارب، وأن يكون العفو والمسامحة أساس تعاملهم فيما بينهم.
Ang paghimok sa pakikitungo ayon sa nakabubuti sa pagitan ng mga asawa at mga kamag-anakan at na ang pagpapaubaya at ang pagpapaalwan ay pundasyon ng pakikitungo nila sa pagitan nila.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (234) Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara