Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (241) Surah: Al-Baqarah
وَلِلۡمُطَلَّقَٰتِ مَتَٰعُۢ بِٱلۡمَعۡرُوفِۖ حَقًّا عَلَى ٱلۡمُتَّقِينَ
Ukol sa mga babaing diniborsiyo ay isang sustento na tatamasain nila gaya ng pananamit o salapi o iba pa roon bilang pag-aaliw sa mga damdamin nilang nawasak dahil sa diborsiyo at sang-ayon sa nakabubuti na pagsasaalang-alang sa kalagayan ng asawa ayon sa kasalatan at kasaganaan. Ang kahatulang ito ay tungkuling napagtibay sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa sinasaway Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الحث على المحافظة على الصلاة وأدائها تامة الأركان والشروط، فإن شق عليه صلَّى على ما تيسر له من الحال.
Ang paghimok sa pangangalaga sa dasal at pagsasagawa nito nang lubusan ang mga saligan at ang mga kundisyon ngunit kung naging mabigat ito sa kanya ay magdarasal siya ng anumang magiging madali para sa kanya na kalagayan.

• رحمة الله تعالى بعباده ظاهرة، فقد بين لهم آياته أتم بيان للإفادة منها.
Ang awa ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga lingkod Niya ay nakalantad at naglinaw nga Siya sa kanila ng mga tanda Niya nang pinakalubos na paglilinaw para makinabang mula sa mga ito.

• أن الله تعالى قد يبتلي بعض عباده فيضيِّق عليهم الرزق، ويبتلي آخرين بسعة الرزق، وله في ذلك الحكمة البالغة.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay maaaring sumubok sa ilan sa mga lingkod Niya sapagkat nagpapakapos Siya sa kanila ng panustos at [maaaring] sumubok sa mga iba pa sa pamamagitan ng kasaganahan ng panustos. Taglay Niya kaugnay roon ang malalim na kasanhian.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (241) Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara