Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (256) Surah: Al-Baqarah
لَآ إِكۡرَاهَ فِي ٱلدِّينِۖ قَد تَّبَيَّنَ ٱلرُّشۡدُ مِنَ ٱلۡغَيِّۚ فَمَن يَكۡفُرۡ بِٱلطَّٰغُوتِ وَيُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ فَقَدِ ٱسۡتَمۡسَكَ بِٱلۡعُرۡوَةِ ٱلۡوُثۡقَىٰ لَا ٱنفِصَامَ لَهَاۗ وَٱللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
Walang pamimilit sa isa man sa pagpasok sa relihiyong Islām dahil ito ang relihiyong totoong malinaw kaya walang pangangailangan dito sa pamimilit sa isa man para rito. Tumampok nga ang pagkagabay sa pagkaligaw. Kaya ang sinumang tumatangging sumampalataya sa bawat anumang sinasambang iba pa kay Allāh, nagpapawalang-kaugnayan doon, at sumasampalataya kay Allāh lamang ay nakakapit nga sa relihiyon sa pamamagitan ng pinakamalakas na lubid na hindi malalagot para sa kaligtasan sa Araw ng Pagbangon. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Maalam sa mga ginagawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• أن الله تعالى قد فاضل بين رسله وأنبيائه، بعلمه وحكمته سبحانه.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – ay naghambing nga sa pagitan ng mga sugo Niya at mga propeta Niya sa pamamagitan ng kaalaman Niya at karunungan Niya – kaluwalhatian sa Kanya.

• إثبات صفة الكلام لله تعالى على ما يليق بجلاله، وأنه قد كلم بعض رسله كموسى ومحمد عليهما الصلاة والسلام.
Ang pagpapatibay sa katangian ng pagsasalita para kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ayon sa naaangkop sa kapitaganan sa Kanya, at na Siya ay nagsalita nga sa ilan sa mga sugo Niya gaya nina Moises at Muḥammad – sumakanilang dalawa ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan.

• الإيمان والهدى والكفر والضلال كلها بمشيئة الله وتقديره، فله الحكمة البالغة، ولو شاء لهدى الخلق جميعًا.
Ang pananampalataya at ang patnubay, at ang kawalang-pananampalataya at ang pagkaligaw, ang lahat ng mga ito ay sa pamamagitan ng kalooban ni Allāh at pagtatakda Niya sapagkat taglay Niya ang malalim na kasanhian. Kung sakaling niloob Niya ay talagang nagpatnubay Siya sana sa mga nilikha sa kalahatan.

• آية الكرسي هي أعظم آية في كتاب الله، لما تضمنته من ربوبية الله وألوهيته وبيان أوصافه .
Ang Talata ng Luklukan (Ayatulkursīy) ay pinakadakilang talata sa Aklat ni Allāh dahil sa naglaman ito ng pagkapanginoon ni Allāh, pagkadiyos Niya, at paglilinaw sa mga katangian Niya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

• اتباع الإسلام والدخول فيه يجب أن يكون عن رضًا وقَبول، فلا إكراه في دين الله تعالى.
Ang pagsunod sa Islām at ang pagpasok dito ay kinakailangan na maging ayon sa pagkalugod at pagtanggap kaya walang pamimilit sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الاستمساك بكتاب الله وسُنَّة رسوله أعظم وسيلة للسعادة في الدنيا، والفوز في الآخرة.
Ang pagkapit sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Niya ay pinakadakilang kaparaanan para sa kaligayahan sa Mundo at tagumpay sa Kabilang-buhay.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (256) Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara