Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (262) Surah: Al-Baqarah
ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمۡوَٰلَهُمۡ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ لَا يُتۡبِعُونَ مَآ أَنفَقُواْ مَنّٗا وَلَآ أَذٗى لَّهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ وَلَا خَوۡفٌ عَلَيۡهِمۡ وَلَا هُمۡ يَحۡزَنُونَ
Ang mga nagkakaloob ng mga salapi nila sa pagtalima kay Allāh at kaluguran Niya, pagkatapos hindi nila pinasusundan ang pagkakaloob nila ng anumang nakapagpapawalang-saysay sa gantimpala nito na panunumbat sa mga tao sa sinasabi o ginagawa, ukol sa kanila ang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila. Walang pangamba sa kanila sa anumang kahaharapin nila ni sila ay malulungkot sa anumang nakalipas dahil sa laki ng kaginhawahan nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• مراتب الإيمان بالله ومنازل اليقين به متفاوتة لا حد لها، وكلما ازداد العبد نظرًا في آيات الله الشرعية والكونية زاد إيمانًا ويقينًا.
Ang mga grado ng pananampalataya kay Allāh at ang mga antas ng katiyakan dito ay magkakaiba: walang hangganan sa mga ito. Sa tuwing nadaragdagan ang tao ng pagninilay sa mga tanda ni Allāh na pambatas at pangsansinukob ay nakadaragdag ito ng pananampalataya at katiyakan.

• بَعْثُ الله تعالى للخلق بعد موتهم دليل ظاهر على كمال قدرته وتمام عظمته سبحانه.
Ang pagbuhay ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga nilikha matapos ng kamatayan nila ay isang nakalitaw na patunay sa kalubusan ng kapangyarihan Niya at kaganapan ng kadakilaan Niya – kaluwalhatian sa Kanya.

• فضل الإنفاق في سبيل الله وعظم ثوابه، إذا صاحبته النية الصالحة، ولم يلحقه أذى ولا مِنّة محبطة للعمل.
Ang kainaman ng paggugol ayon sa landas ni Allāh at ang bigat ng gantimpala nito kapag sinamahan ito ng matuwid na layunin at hindi ito sinundan ng pananakit ni panunumbat na nakapagpapawalang-saysay sa gawain.

• من أحسن ما يقدمه المرء للناس حُسن الخلق من قول وفعل حَسَن، وعفو عن مسيء.
Kabilang sa pinakamagandang maihahandog ng tao sa mga tao ay ang kagandahan ng asal gaya ng sinasabi at ginagawang maganda, at pagpapaumanhin sa isang nakagagawa ng masagwa.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (262) Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara