Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (278) Surah: Al-Baqarah
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَذَرُواْ مَا بَقِيَ مِنَ ٱلرِّبَوٰٓاْ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at tumigil kayo sa paghiling sa anumang natira mula sa mga yamang galing sa patubo sa nasa mga tao kung kayo ay totoong mga mananampalataya kay Allāh at sa isinaway Niya sa inyo na patubo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• من أعظم الكبائر أكل الربا، ولهذا توعد الله تعالى آكله بالحرب وبالمحق في الدنيا والتخبط في الآخرة.
Kabilang sa pinakamabigat sa mga malaking kasalanan ay ang pakikinabang sa patubo. Dahil dito ay nagbanta si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa nakikinabang dito ng digmaan at pagkapuksa sa Mundo at pagkatuliro sa Kabilang-buhay.

• الالتزام بأحكام الشرع في المعاملات المالية ينزل البركة والنماء فيها.
Ang pananatili sa mga patakaran ng Batas ng Islām sa mga transaksiyong pampananalapi ay nagpapababa ng biyaya at paglago rito.

• فضل الصبر على المعسر، والتخفيف عنه بالتصدق عليه ببعض الدَّين أو كله.
Ang kainaman ng pagpapasensiya sa nagigipit at ang pagpapagaan sa kanya sa pamamagitan ng pagkakawanggawa sa kanya ng isang bahagi ng utang o ng kabuuan nito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (278) Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara