Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (87) Surah: Al-Baqarah
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَقَفَّيۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِۦ بِٱلرُّسُلِۖ وَءَاتَيۡنَا عِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَأَيَّدۡنَٰهُ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِۗ أَفَكُلَّمَا جَآءَكُمۡ رَسُولُۢ بِمَا لَا تَهۡوَىٰٓ أَنفُسُكُمُ ٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡ فَفَرِيقٗا كَذَّبۡتُمۡ وَفَرِيقٗا تَقۡتُلُونَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah at nagpasunod Kami sa kanya ng mga sugo nang matapos niya sa bakas niya. Nagbigay Kami kay Hesus na anak ni Maria ng mga tanda na maliwanag na naglilinaw sa katapatan niya gaya ng pagbibigay-buhay sa mga patay, ng pagpapagaling sa ipinanganak na bulag, at ng pagpapagaling sa ketongin. Nagpalakas Kami sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Kaya ba sa tuwing may naghatid sa inyo, O mga anak ni Israel, na isang sugo mula sa ganang kay Allāh ng anumang hindi sumasang-ayon sa mga pithaya ninyo ay nagmamalaki kayo sa katotohanan at nagpapakataas-taas kayo sa mga sugo ni Allāh sapagkat may isang pangkat kabilang sa kanila na pinasisinungalingan ninyo at may isang pangkat na pinapatay ninyo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• من أعظم الكفر: الإيمان ببعض ما أنزل الله والكفر ببعضه؛ لأن فاعل ذلك قد جعل إلهه هواه.
Kabilang sa pinakamabigat na kawalang-pananampalataya ang pananampalataya sa ilang bahagi ng pinababa ni Allāh at ang kawalang-pananampalataya sa iba pang bahagi nito dahil ang gumagawa niyon ay gumawa sa pithaya niya bilang diyos niya.

• عِظَم ما بلغه اليهود من العناد، واتباع الهوى، والتلاعب بما أنزل الله تعالى.
Ang bigat ng inabot ng mga Hudyo na pagmamatigas, pagsunod sa pithaya, at paglaru-laro sa pinababa ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• فضل الله تعالى ورحمته بخلقه، حيث تابع عليهم إرسال الرسل وإنزال الكتب لهدايتهم للرشاد.
Ang kabutihang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang awa Niya sa nilikha Niya yayamang sinunud-sunod Niya sa kanila ang pagsusugo sa mga sugo at ang pagpapababa ng mga kasulatan para sa kapatnubayan nila sa pagkagabay.

• أن الله يعاقب المعرضين عن الهدى المعاندين لأوامره بالطبع على قلوبهم وطردهم من رحمته؛ فلا يهتدون إلى الحق، ولا يعملون به.
Na si Allāh ay magpaparusa sa mga umaayaw sa patnubay, na mga nagmamatigas sa mga utos Niya, sa pamamagitan ng pagpinid sa mga puso nila at pagtataboy sa kanila mula sa awa Niya kaya hindi sila napapatnubayan tungo sa katotohanan at hindi sila gumagawa ayon dito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (87) Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara