Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (97) Surah: Al-Baqarah
قُلۡ مَن كَانَ عَدُوّٗا لِّـجِبۡرِيلَ فَإِنَّهُۥ نَزَّلَهُۥ عَلَىٰ قَلۡبِكَ بِإِذۡنِ ٱللَّهِ مُصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيۡهِ وَهُدٗى وَبُشۡرَىٰ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Sabihin mo, O Propeta, sa sinumang nagsabi kabilang sa mga Hudyo: "Tunay na si Gabriel ay kaaway namin kabilang sa mga anghel." Ang sinumang naging isang nangangaway para kay Gabriel, tunay na siya ay nagbaba sa Qur'ān sa puso mo ayon sa isang pahintulot mula kay Allāh, bilang tagapagpatotoo para sa nauna na mga kasulatang makadiyos gaya ng Torah at Ebanghelyo, bilang tagagabay sa kabutihan, at bilang tagapagbalita ng nakagagalak para sa mga mánanampalataya hinggil sa inihanda ni Allāh sa kanila na kaginhawahan. Ang sinumang naging isang nangangaway sa sinumang ito ang katangian niyon at ang gawain niyon, siya ay kabilang sa mga naliligaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• المؤمن الحق يرجو ما عند الله من النعيم المقيم، ولهذا يفرح بلقاء الله ولا يخشى الموت.
Ang mananampalatayang totoo ay umaasa sa anumang nasa piling ni Allāh na kaginhawahang mananatili. Dahil dito, natutuwa siya sa pakikipagtagpo kay Allāh at hindi natatakot sa kamatayan.

• حِرص اليهود على الحياة الدنيا حتى لو كانت حياة حقيرة مهينة غير كريمة.
Ang sigasig ng mga Hudyo sa buhay na pangmundo kahit pa man ito ay isang buhay na kaaba-aba, hinahamak, hindi marangal.

• أنّ من عادى أولياء الله المقربين منه فقد عادى الله تعالى.
Na ang sinumang nangaway sa mga katangkilik ni Allāh, na mga inilapit sa Kanya, ay nangaway nga kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• إعراض اليهود عن نبوة محمد صلى الله عليه وسلم بعدما عرفوا تصديقه لما في أيديهم من التوراة.
Ang pag-ayaw ng mga Hudyo sa pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay matapos na nakaalam sila sa pagpapatotoo sa kanya ng nasa mga kamay nila na Torah.

• أنَّ من لم ينتفع بعلمه صح أن يوصف بالجهل؛ لأنه شابه الجاهل في جهله.
Na ang sinumang hindi nakinabang sa kaalaman niya ay tumpak na ilarawan sa pamamagitan ng kamangmangan dahil siya ay nakiwangis sa mangmang sa kamangmangan nito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (97) Surah: Al-Baqarah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara