Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Tā-ha   Ayah:

Tā-ha

Ilan sa mga Layon ng Surah:
السعادة باتباع هدى القرآن وحمل رسالته، والشقاء بمخالفته.
Ang kaligayahan dahil sa pagsunod sa patnubay ng Qur'ān at pagdala ng mensahe nito at ang kalumbayan dahil sa pagsalungat dito.

طه
Ṭā. Hā. Nauna na ang pagtatalakay sa ang mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لِتَشۡقَىٰٓ
Hindi Kami nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān upang ito ay maging isang kadahilanan ng pagpapagal sa sarili mo sa panlulumo sa pag-ayaw ng mga kababayan mo sa pananampalataya sa iyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِلَّا تَذۡكِرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰ
Hindi Kami nagpababa nito maliban upang ito ay maging isang pagpapaalaala para sa sinumang itinuon ni Allāh sa pagkatakot sa Kanya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَنزِيلٗا مِّمَّنۡ خَلَقَ ٱلۡأَرۡضَ وَٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلۡعُلَى
Nagbaba nito ni Allah na lumikha ng lupa, at lumikha ng langit na matataas; ito ay isang dakilang Qur'ān sapagkat ibinaba ito mula sa ganang [Diyos na] Dakila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلرَّحۡمَٰنُ عَلَى ٱلۡعَرۡشِ ٱسۡتَوَىٰ
Ang Napakamaawain ay pumaitaas at umangat sa trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan Niya – kaluwalhatian sa Kanya at Napakataas Siya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَمَا تَحۡتَ ٱلثَّرَىٰ
Sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ang anumang nasa mga langit, ang anumang nasa lupa, at ang anumang nasa ilalim ng alabok na mga nilikha, ayon sa paglikha, sa paghahari, at sa pangangasiwa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِن تَجۡهَرۡ بِٱلۡقَوۡلِ فَإِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ وَأَخۡفَى
Kung maghahayag ka, O Sugo, ng sasabihin o magkukubli ka nito, tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nakaaalam niyon sa kabuuan niyon sapagkat Siya ay nakaaalam sa lihim at sa anumang higit na kubli kaysa sa lihim, tulad ng mga sumasagi sa kaluluwa. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ لَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰ
Si Allāh ay walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Ukol sa Kanya – tanging sa Kanya – ang mga pangalang masidhi sa kalubusan sa kagandahan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَهَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ
Talaga ngang nakarating sa iyo, O Sugo, ang ulat kay Moises na anak ni `Imran – sumakanya ang pangangalaga.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِذۡ رَءَا نَارٗا فَقَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِقَبَسٍ أَوۡ أَجِدُ عَلَى ٱلنَّارِ هُدٗى
Nang may namataan siya sa paglalakbay niya na isang apoy ay nagsabi siya sa mag-anak niya: "Manatili kayo sa lugar ninyong ito; tunay na ako ay nakakita ng isang apoy. Harinawa ako ay magdadala sa inyo mula sa apoy na ito ng isang lagablab o makatagpo ako ng papatnubay sa akin tungo sa daan."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ يَٰمُوسَىٰٓ
Kaya noong nakarating siya sa apoy ay nanawagan sa kanya si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa pagsabi Niya: "O Moises,
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنِّيٓ أَنَا۠ رَبُّكَ فَٱخۡلَعۡ نَعۡلَيۡكَ إِنَّكَ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوٗى
tunay na Ako ay ang Panginoon mo. Kaya mag-alis ka ng mga panyapak mo bilang paghahanda sa pakikipagniig sa akin. Tunay na ikaw ay nasa dinalisay na lambak ng Ṭuwā.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• ليس إنزال القرآن العظيم لإتعاب النفس في العبادة، وإذاقتها المشقة الفادحة، وإنما هو كتاب تذكرة ينتفع به الذين يخشون ربهم.
Ang pagpapababa ng Dakilang Qur'ān ay hindi para sa pagpagod sa sarili sa pagsamba at pagpapalasap dito ng pahirap na nakabibigat. Ito lamang ay isang aklat ng pagpapaalaalang nakikinabang dito ang mga natatakot sa Panginoon nila.

• قَرَن الله بين الخلق والأمر، فكما أن الخلق لا يخرج عن الحكمة؛ فكذلك لا يأمر ولا ينهى إلا بما هو عدل وحكمة.
Nag-ugnay si Allāh sa pagitan ng paglikha at pag-uutos sapagkat kung paanong ang paglikha ay hindi nakalalabas sa kasanhian gayon din naman hindi Siya nag-uutos ni sumasaway malibang ayon sa katarungan at karunungan.

• على الزوج واجب الإنفاق على الأهل (المرأة) من غذاء وكساء ومسكن ووسائل تدفئة وقت البرد.
Nasa asawa ang tungkulin ng paggugol sa maybahay gaya ng pagkain, pananamit, tirahan, at mga kaparaanan ng pagpapainit sa oras ng taglamig.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Tā-ha
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara