Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Mu’minūn   Ayah:
بَلۡ أَتَيۡنَٰهُم بِٱلۡحَقِّ وَإِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Ang usapin ay hindi gaya ng inaangkin nila. Bagkus naghatid Kami sa kanila ng katotohanang walang pasubali hinggil dito. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa anumang inaangkin nila ukol kay Allāh na [pagkakaroon ng] katambal at anak. Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa sabi nila ayon sa kataasang malaki.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَا ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ مِن وَلَدٖ وَمَا كَانَ مَعَهُۥ مِنۡ إِلَٰهٍۚ إِذٗا لَّذَهَبَ كُلُّ إِلَٰهِۭ بِمَا خَلَقَ وَلَعَلَا بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يَصِفُونَ
Hindi gumawa si Allāh ng anumang anak gaya ng inaakala ng mga tagatangging sumampalataya. Hindi nangyaring may kasama sa Kanya na anumang sinasamba ayon sa karapatan. Kung sakaling ipinagpalagay na may kasama sa Kanya na isang sinasamba ayon sa karapatan, talaga sanang nag-alis ang bawat sinasamba ng bahagi nito mula sa mga nilikhang nilikha nito at talaga sanang nanaig ang ilan sa kanila higit sa iba saka magugulo ang sistema ng Sansinukob. Ang reyalidad ay na anuman mula [sa nabanggit na] iyon ay hindi nangyari. Kaya nagpatunay ito na ang sinasamba ayon sa karapatan ay nag-iisa. Siya ay si Allāh lamang. Nagpawalang-kaugnayan Siya at pagkabanal-banal Siya kaysa sa anumang inilalarawan ng mga tagapagtambal na hindi naaangkop sa Kanya na [pagkakaroon ng] anak at katambal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
عَٰلِمِ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ فَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Nakaaalam sa bawat nakalingid sa nilikha Niya at nakaaalam sa bawat nasasaksihan at natatalos ng mga pandama, walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon kaya pagkataas-taas Siya – kaluwalhatian sa Kanya -na magkaroon Siya ng isang katambal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُل رَّبِّ إِمَّا تُرِيَنِّي مَا يُوعَدُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "Panginoon ko, kung ipakikita Mo nga sa akin sa mga tagapagtambal na ito ang ipinangangako mo sa kanila na pagdurusa,
Ang mga Tafsir na Arabe:
رَبِّ فَلَا تَجۡعَلۡنِي فِي ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Panginoon ko, kung magpaparusa Ka sa kanila habang ako ay sumasaksi niyon, huwag Kang maglagay sa akin sa kanila para dumapo sa akin ang dadapo sa kanila na pagdurusa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِنَّا عَلَىٰٓ أَن نُّرِيَكَ مَا نَعِدُهُمۡ لَقَٰدِرُونَ
Tunay na Kami, sa pagsasanhi sa iyo na makasaksi at makakita ka sa ipinangangako Namin sa kanila na pagdurusa, ay talagang nakakakaya: hindi Kami nawawalan ng kakayahan doon ni sa iba pa roon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱدۡفَعۡ بِٱلَّتِي هِيَ أَحۡسَنُ ٱلسَّيِّئَةَۚ نَحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَصِفُونَ
Itaboy mo, O Sugo, ang sinumang gumagawa ng masagwa sa iyo sa pamamagitan ng katangiang higit na maganda sa pamamagitan ng pagpapaumanhin mo sa kanya at pagtitiis mo sa pananakit niya. Kami ay higit na maalam sa anumang inilalarawan nila na pagtatambal at pagpapasinungaling at sa anumang inilalarawan nila sa iyo na hindi naaangkop sa iyo gaya ng panggagaway at pagkabaliw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقُل رَّبِّ أَعُوذُ بِكَ مِنۡ هَمَزَٰتِ ٱلشَّيَٰطِينِ
Sabihin mo: "Panginoon ko, nagpapakandili ako sa Iyo laban sa mga pang-uudyok ng mga demonyo at mga sulsol nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَعُوذُ بِكَ رَبِّ أَن يَحۡضُرُونِ
at nagpapakupkop ako sa Iyo, Panginoon ko, na dumalo sila sa akin sa anuman sa mga nauukol sa akin."
Ang mga Tafsir na Arabe:
حَتَّىٰٓ إِذَا جَآءَ أَحَدَهُمُ ٱلۡمَوۡتُ قَالَ رَبِّ ٱرۡجِعُونِ
[Gayon nga] hanggang sa nang dumating sa isa sa mga tagapagtambal na ito ang kamatayan at nakapagmasid siya sa bumababa sa kanya ay nagsabi siya dala ng pagsisisi sa nakaalpas mula sa buhay niya at pagkukulang niya sa nauukol kay Allāh: "Panginoon ko, magpabalik Ka sa akin sa buhay na pangmundo,
Ang mga Tafsir na Arabe:
لَعَلِّيٓ أَعۡمَلُ صَٰلِحٗا فِيمَا تَرَكۡتُۚ كَلَّآۚ إِنَّهَا كَلِمَةٌ هُوَ قَآئِلُهَاۖ وَمِن وَرَآئِهِم بَرۡزَخٌ إِلَىٰ يَوۡمِ يُبۡعَثُونَ
nang sa gayon ako ay gagawa ng gawaing maayos kapag bumalik ako roon." Aba'y hindi! Ang usapin ay hindi gaya ng hiniling. Tunay na ito ay isang payak na salitang siya ay tagapagsabi nito sapagkat kung sakaling ibinalik siya sa buhay na pangmundo ay talaga sanang hindi siya tumupad sa ipinangako niya. Mananatili ang mga pumanaw na ito sa isang nakahalang sa pagitan ng Mundo at Kabilang-buhay hanggang sa Araw ng Pagbuhay at Pagtitipon kaya hindi sila makababalik mula roon sa Mundo upang mapunan nila ang nakaalpas sa kanila at maayos nila ang ginulo nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِذَا نُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَلَآ أَنسَابَ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ وَلَا يَتَسَآءَلُونَ
Kaya kapag umihip ang anghel na nakatalaga sa pag-ihip sa sungay sa ikalawang pag-ihip na nagpapahayag ng pagbangon [ng mga patay], wala nang mga kaangkanan sa pagitan nila na nagpapayabangan sila sa pamamagitan ng mga ito, dahil sa pagkaabala nila sa mga hilakbot ng Kabilang-buhay at hindi magtatanong ang isa't isa sa kanila dahil sa pagkaabala nila sa pumapatungkol sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَمَن ثَقُلَتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ
Kaya ang bumigat ang mga timbangan nila dahil sa pananaig ng mga magandang gawa nila higit sa mga masagwang gawa nila, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay dahil sa magtatamo sila ng hinihiling nila at makaiiwas sila ng kinasisindakan nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَنۡ خَفَّتۡ مَوَٰزِينُهُۥ فَأُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ فِي جَهَنَّمَ خَٰلِدُونَ
Ang gumaan ang mga timbangan nila dahil sa pananaig ng mga masagwang gawa nila higit sa mga magandang gawa nila, ang mga iyon ay ang mga nagsayang sa mga sarili nila dahil sa paggawa ng nakapipinsala sa mga ito at pag-iwan sa nagpapakinabang sa mga ito na pananampalataya at gawang maayos sapagkat sila ay sa apoy ng impiyerno mga mamamalagi, na hindi makalalabas mula roon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
تَلۡفَحُ وُجُوهَهُمُ ٱلنَّارُ وَهُمۡ فِيهَا كَٰلِحُونَ
Susunog sa mga mukha nila ang Apoy habang sila roon ay umurong ang mga labing pantaas at pambaba palayo sa mga ngipin dahil sa tindi ng pagsimangot.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الاستدلال باستقرار نظام الكون على وحدانية الله.
Ang pagpapatunay, sa pamamagitan ng katatagan ng sistema ng kalawakan, sa kaisahan ni Allāh.

• إحاطة علم الله بكل شيء.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa bawat bagay.

• معاملة المسيء بالإحسان أدب إسلامي رفيع له تأثيره البالغ في الخصم.
Ang pakikitungo sa tagagawa ng masagwa sa pamamagitan ng paggawa ng maganda ay isang kaasalang pang-Islām na mataas na may epektong malalim sa kahidwaan.

• ضرورة الاستعاذة بالله من وساوس الشيطان وإغراءاته.
Ang pangangailangan sa paghiling ng pagkupkop ni Allāh laban sa mga sulsol ng demonyo at mga pag-uudyok nito.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Mu’minūn
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara