Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (11) Surah: An-Noor
إِنَّ ٱلَّذِينَ جَآءُو بِٱلۡإِفۡكِ عُصۡبَةٞ مِّنكُمۡۚ لَا تَحۡسَبُوهُ شَرّٗا لَّكُمۖ بَلۡ هُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۚ لِكُلِّ ٱمۡرِيٕٖ مِّنۡهُم مَّا ٱكۡتَسَبَ مِنَ ٱلۡإِثۡمِۚ وَٱلَّذِي تَوَلَّىٰ كِبۡرَهُۥ مِنۡهُمۡ لَهُۥ عَذَابٌ عَظِيمٞ
Tunay na ang mga naghatid ng paninirang-puri (ang pagparatang ng kahalayan sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah – malugod si Allāh sa kanya) ay isang pangkat na nauugnay sa inyo, O mga mananampalataya. Huwag kayong magpalagay na ang ginawa-gawa nila ay masama para sa inyo, bagkus ito ay mabuti para sa inyo dahil sa dulot nito na paggantimpala at pagsubok para sa mga mananampalataya at dahil sa nakaaalinsabay nito na pagpapawalang-sala sa Ina ng mga Mananampalataya. Ukol sa bawat isang lumahok sa pagpaparatang sa kanya ng mahalay ay ganti sa kinamit niya na kasalanan dahil sa pagsasalita niya ng kabulaanan. Ang pumasan ng karamihan niyon dahil sa pagpapasimula niyon, ukol sa kanya ay isang pagdurusang mabigat. Ang tinutukoy rito ay ang ulo ng mga mapagpaimbabaw na si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تركيز المنافقين على هدم مراكز الثقة في المجتمع المسلم بإشاعة الاتهامات الباطلة.
Ang pagtutuon ng mga mapagpaimbabaw sa pagwasak sa mga sentro ng tiwala sa lipunang Muslim sa pamamagitan ng pagkakalat ng mga bulaang paratang.

• المنافقون قد يستدرجون بعض المؤمنين لمشاركتهم في أعمالهم.
Ang mga mapagpaimbabaw ay maaaring magpain sa ilan sa mga mananampalataya para makilahok sa kanila sa mga gawain nila.

• تكريم أم المؤمنين عائشة رضي الله عنها بتبرئتها من فوق سبع سماوات.
Ang pagpaparangal sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah – malugod si Allāh sa kanya – sa pamamagitan ng pagpapawalang-sala sa kanya mula sa ibabaw ng Pitong Langit.

• ضرورة التثبت تجاه الشائعات.
Ang pangangailangan sa pagtitiyak kaugnay sa mga sabi-sabi.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (11) Surah: An-Noor
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara