Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (53) Surah: An-Noor
۞ وَأَقۡسَمُواْ بِٱللَّهِ جَهۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡ لَئِنۡ أَمَرۡتَهُمۡ لَيَخۡرُجُنَّۖ قُل لَّا تُقۡسِمُواْۖ طَاعَةٞ مَّعۡرُوفَةٌۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Nanumpa ang mga mapagpaimbabaw kay Allāh nang pinakasukdulan sa mga panunumpa nilang mariin na nakakakaya nilang panumpaan na talagang kung nag-utos ka sa kanila ng paglisan tungo sa pakikibaka ay talagang lilisan nga sila. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Huwag kayong manumpa sapagkat ang kasinungalingan ninyo ay kilala at ang pagtalima ninyong inaangkin ay kilala." Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo gaano man kayo magkubli ng mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تنوّع المخلوقات دليل على قدرة الله.
Ang pagkasarisari ng mga nilikha ay isang patunay sa kakayahan ni Allāh.

• من صفات المنافقين الإعراض عن حكم الله إلا إن كان الحكم في صالحهم، ومن صفاتهم مرض القلب والشك، وسوء الظن بالله.
Kabilang sa mga katangian ng mga mapagpaimbabaw ay ang pag-ayaw sa kahatulan ni Allāh, maliban kung ang kahatulan ay sa kapakanan nila. Kabilang sa katangian nila ang karamdaman sa puso, ang pagdududa, at ang kasagwaan ng pagpapalagay kay Allāh.

• طاعة الله ورسوله والخوف من الله من أسباب الفوز في الدارين.
Ang pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya at ang pangamba kay Allāh ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtamo sa Mundo at Kabilang-buhay.

• الحلف على الكذب سلوك معروف عند المنافقين.
Ang panunumpa ng kasinungalingan ay ugaling kilala sa ganang mga mapagpaimbabaw.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (53) Surah: An-Noor
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara