Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (62) Surah: An-Noor
إِنَّمَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَإِذَا كَانُواْ مَعَهُۥ عَلَىٰٓ أَمۡرٖ جَامِعٖ لَّمۡ يَذۡهَبُواْ حَتَّىٰ يَسۡتَـٔۡذِنُوهُۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَسۡتَـٔۡذِنُونَكَ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ يُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦۚ فَإِذَا ٱسۡتَـٔۡذَنُوكَ لِبَعۡضِ شَأۡنِهِمۡ فَأۡذَن لِّمَن شِئۡتَ مِنۡهُمۡ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُمُ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Tanging ang mga mananampalatayang tapat sa pananampalataya nila ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa Sugo Niya. Kapag sila ay kasama sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa isang usaping nagbubuklod sa kanila para sa kapakanan ng mga Muslim, hindi sila lumilisan hanggang sa humingi sila sa kanya ng pahintulot sa paglisan. Tunay ang mga humihingi sa iyo, O Sugo, ng pahintulot sa sandali ng paglisan, ang mga iyon ay ang mga sumasampalataya kay Allāh at sumasampalataya sa Sugo Niya nang totohanan. Kaya kapag humingi sila sa iyo ng pahintulot para sa ilang bagay na pumapatungkol sa kanila, magpahintulot ka sa sinumang niloob mo na pahintulutan kabilang sa kanila. Humingi ka para sa kanila ng kapatawaran para sa mga pagkakasala nila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• دين الإسلام دين النظام والآداب، وفي الالتزام بالآداب بركة وخير.
Ang Relihiyong Islām ay relihiyon ng sistema at mga kaasalan. Sa pananatili sa mga kaasalan ay may biyaya at kabutihan.

• منزلة رسول الله صلى الله عليه وسلم تقتضي توقيره واحترامه أكثر من غيره.
Ang antas ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay humihiling ng pagpipitagan sa kanya at paggalang sa kanya higit sa iba pa sa kanya.

• شؤم مخالفة سُنَّة النبي صلى الله عليه وسلم.
Ang kasamaan ng pagsalungat sa kalakaran (sunnah) ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

• إحاطة ملك الله وعلمه بكل شيء.
Ang pagkasaklaw ng paghahari ni Allāh at kaalaman Niya sa bawat bagay.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (62) Surah: An-Noor
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara