Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (63) Surah: Al-Furqān
وَعِبَادُ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلَّذِينَ يَمۡشُونَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ هَوۡنٗا وَإِذَا خَاطَبَهُمُ ٱلۡجَٰهِلُونَ قَالُواْ سَلَٰمٗا
Ang mga lingkod ng Napakamaawain na mga mananampalataya ay ang mga naglalakad sa lupa nang may paggalang bilang mga tagapagpakumbaba at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay hindi sila tumutumbas sa mga ito ng tulad [niyon], bagkus nagsasabi sila sa mga ito ng nakabubuti, na hindi nag-aasal-hangal kaugnay roon sa mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الداعي إلى الله لا يطلب الجزاء من الناس.
Ang tagapag-anyaya tungo kay Allāh ay hindi humihiling ng ganti sa mga tao.

• ثبوت صفة الاستواء لله بما يليق به سبحانه وتعالى.
Ang pagtitibay ng katangian ng pagluklok para kay Allāh ayon sa naaangkop sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya.

• أن الرحمن اسم من أسماء الله لا يشاركه فيه أحد قط، دال على صفة من صفاته وهي الرحمة.
Na ang Raḥmān (Napakamaawain) ay isa sa mga pangalan ni Allāh, na walang isang nakikilahok sa Kanya rito kailanman, na nagpapatunay sa isa sa mga katangian Niya, ang awa.

• إعانة العبد بتعاقب الليل والنهار على تدارُكِ ما فاتَهُ من الطاعة في أحدهما.
Ang pagtulong sa tao dahil sa pagsusunuran ng gabi at maghapon para sa paghahabol sa nakaalpas sa kanya na pagtalima sa [oras ng] isa sa dalawa.

• من صفات عباد الرحمن التواضع والحلم، وطاعة الله عند غفلة الناس، والخوف من الله، والتزام التوسط في الإنفاق وفي غيره من الأمور.
Kabilang sa mga katangian ng mga lingkod ng Napakamaawain ang pagpapakumbaba, ang pagtitimpi, ang pagtalima kay Allāh sa sandali ng pagkalingat ng mga tao, ang pangamba kay Allāh, at ang pananatili sa pagkakatamtaman sa paggugol at sa iba pang mga bagay.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (63) Surah: Al-Furqān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara