Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qasas   Ayah:

Al-Qasas

Ilan sa mga Layon ng Surah:
سنة الله في تمكين المؤمنين المستضعفين وإهلاك الطغاة المستكبرين.
Ang kalakaran ni Allāh sa pagbibigay-kakayahan sa mga mananampalatayang minamahina at pagpapahamak sa mga tagapagmalabis na nagmamalaki.

طسٓمٓ
Ṭā. Sīn. Mīm. Nauna na ang pagtalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
Ang mga Tafsir na Arabe:
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Ang mga ito ay ang mga talata ng Qur'ān na maliwanag.
Ang mga Tafsir na Arabe:
نَتۡلُواْ عَلَيۡكَ مِن نَّبَإِ مُوسَىٰ وَفِرۡعَوۡنَ بِٱلۡحَقِّ لِقَوۡمٖ يُؤۡمِنُونَ
Bumibigkas Kami sa iyo mula sa ulat kay Moises at kay Paraon ayon sa katotohanang walang pag-aatubili rito para sa mga taong sumasampalataya dahil sila ay ang mga makikinabang sa nasaad dito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّ فِرۡعَوۡنَ عَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَجَعَلَ أَهۡلَهَا شِيَعٗا يَسۡتَضۡعِفُ طَآئِفَةٗ مِّنۡهُمۡ يُذَبِّحُ أَبۡنَآءَهُمۡ وَيَسۡتَحۡيِۦ نِسَآءَهُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ مِنَ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Tunay na si Paraon ay nagmalabis sa lupain ng Ehipto at nangibabaw roon. Gumawa siya sa mga naninirahan doon na mga pangkat na hinati-hati. Naniniil siya sa isang pangkat kabilang sa kanila, ang mga anak ni Israel, sa pamamagitan ng pagpatay sa mga lalaki sa mga anak nila at pagpapanatili sa mga babae nila para sa paglilingkod bilang pagpapaigting sa pang-aaba sa kanila. Tunay na siya noon ay kabilang sa mga tagagulo sa lupain sa pamamagitan ng kawalang-katarungan, pagmamalabis, at pagpapakamalaki.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَنُرِيدُ أَن نَّمُنَّ عَلَى ٱلَّذِينَ ٱسۡتُضۡعِفُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَنَجۡعَلَهُمۡ أَئِمَّةٗ وَنَجۡعَلَهُمُ ٱلۡوَٰرِثِينَ
Nagnanais Kami na magmabuting-loob Kami sa mga anak ni Israel na minamahina ni Paraon sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng pagpapahamak sa kaaway nila at ng pag-aalis ng pagmamahina sa kanila, na gumawa Kami sa kanila na mga pasimuno na tutularan sila sa katotohanan, at na gumawa Kami sa kanila na magmamana sa pinagpalang lupain ng Sirya matapos ng pagkapahamak ni Paraon. [Ito ay] gaya ng sinabi Niya – pagkataas-taas Siya – (Qur'ān 7:137): "Nagpamana Kami sa mga tao, na mga dating minamahina, ng mga silangan ng lupain at mga kanluran nito, na biniyayaan Namin."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الإيمان والعمل الصالح سببا النجاة من الفزع يوم القيامة.
Ang pananampalataya at ang gawang maayos ay dalawang kadahilanan ng kaligtasan sa hilakbot ng Araw ng Pagbangon.

• الكفر والعصيان سبب في دخول النار.
Ang kawalang-pananampalataya at ang pagsuway ay dahilan sa pagpasok sa Apoy.

• تحريم القتل والظلم والصيد في الحرم.
Ang pagbabawal sa pagpatay, kawalang-katarungan, at pangangaso sa Ḥaram.

• النصر والتمكين عاقبة المؤمنين.
Ang pag-aadya at ang pagbibigay-kapangyarihan ay ang kahihinatnan ng mga mananampalataya.

وَنُمَكِّنَ لَهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَنُرِيَ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا مِنۡهُم مَّا كَانُواْ يَحۡذَرُونَ
Nagnanais Kami na magbigay-kapangyarihan Kami sa kanila sa lupain sa pamamagitan ng paggawa sa kanila bilang mga kasamahan ng naghahari roon at magpakita Kami kay Paraon, sa tagasuporta niyang pinakamalaki sa kaharian na si Hāmān, at sa mga kawal nilang dalawa na mga tagatulong para sa kanilang dalawa sa paghahari nilang dalawa ng pinangangambahan nila noon na paglaho ng paghahari nila at pagwawakas nito sa kamay ng isang lalaking anak bilang sa mga anak ng Israel.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ أُمِّ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَرۡضِعِيهِۖ فَإِذَا خِفۡتِ عَلَيۡهِ فَأَلۡقِيهِ فِي ٱلۡيَمِّ وَلَا تَخَافِي وَلَا تَحۡزَنِيٓۖ إِنَّا رَآدُّوهُ إِلَيۡكِ وَجَاعِلُوهُ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Nagpahiwatig Kami sa ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na [nagsasabi]: "Magpasuso ka sa kanya. Hanggang sa kapag natakot ka para sa kanya kay Paraon at sa mga tao niya na patayin nila siya ay ilagay mo siya sa isang kahon at itapon mo siya sa ilog ng Nilo. Huwag kang mangamba para sa kanya ng pagkalunod ni kay Paraon at huwag kang malungkot dahilan sa pagkakawalay sa kanya. Tunay na Kami ay magbabalik sa kanya sa iyo nang buhay at gagawa sa kanya kabilang sa mga sugo Namin na ipadadala sa mga nilikha."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَٱلۡتَقَطَهُۥٓ ءَالُ فِرۡعَوۡنَ لِيَكُونَ لَهُمۡ عَدُوّٗا وَحَزَنًاۗ إِنَّ فِرۡعَوۡنَ وَهَٰمَٰنَ وَجُنُودَهُمَا كَانُواْ خَٰطِـِٔينَ
Kaya sumunod ang ina ni Moises sa ipinahiwatig Namin dito na paglalagay sa kanya sa isang kahon at pagtatapon sa kanya sa ilog. Kaya naman nasumpungan siya ng mag-anak ni Paraon at kinuha nila siya upang magkatotoo ang ninais ni Allāh na si Moises ay magiging isang kaaway para kay Paraon, na aalisin ni Allāh ang paghahari nito sa kamay nito, habang nagdudulot si Moises ng kalungkutan nila. Tunay na si Paraon, ang katuwang nitong si Hāmān, at ang mga katulong nilang dalawa ay mga nagkakasala noon dahilan sa kawalang-pananampalataya nila, pagmamalabis nila, at panggugulo nila sa lupa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَتِ ٱمۡرَأَتُ فِرۡعَوۡنَ قُرَّتُ عَيۡنٖ لِّي وَلَكَۖ لَا تَقۡتُلُوهُ عَسَىٰٓ أَن يَنفَعَنَآ أَوۡ نَتَّخِذَهُۥ وَلَدٗا وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Noong nagnais si Paraon na patayin si Moises ay nagsabi sa kanya ang maybahay niya: "Ang batang ito ay pinagmumulan ng tuwa para sa akin at para sa iyo. Huwag ninyo siyang patayin; harinawang siya ay magpapakinabang sa atin sa pamamagitan ng paglilingkod o maituturing natin siya bilang anak sa pamamagitan ng pag-ampon;" habang sila ay hindi nakaaalam sa kauuwian ng paghahari nila sa kamay niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَصۡبَحَ فُؤَادُ أُمِّ مُوسَىٰ فَٰرِغًاۖ إِن كَادَتۡ لَتُبۡدِي بِهِۦ لَوۡلَآ أَن رَّبَطۡنَا عَلَىٰ قَلۡبِهَا لِتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Ang puso ng ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay naging hungkag sa alinmang nauukol kabilang sa mga nauukol sa Mundo maliban sa nauukol kay Moises. Kaya hindi na ito nakatiis hanggang sa muntik nang maghayag ito na si Moises ay anak nito dahil sa tindi ng pagkahumaling sa kanya, kung sakaling hindi Kami nagbigkis sa puso nito sa pamamagitan ng pagpapatatag sa puso nito at pagpapatiis dito upang ito ay maging kabilang sa mga mananampalatayang nananalig sa Panginoon nila, na mga nagtitiis sa anumang itinatadhana Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَتۡ لِأُخۡتِهِۦ قُصِّيهِۖ فَبَصُرَتۡ بِهِۦ عَن جُنُبٖ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Nagsabi ang ina ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa babaing kapatid niya matapos ng pagtapon nito sa kanya sa ilog: "Sumunod ka sa bakas niya upang malaman mo ang gagawin sa kanya." Kaya nakatingin iyon sa kanya mula sa kalayuan upang hindi mabunyag ang ginagawa niyon habang si Paraon at ang mga tao nito ay hindi nakararamdam na iyon ay babaing kapatid niya at na iyon ay nagsisiyasat sa lagay niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ وَحَرَّمۡنَا عَلَيۡهِ ٱلۡمَرَاضِعَ مِن قَبۡلُ فَقَالَتۡ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰٓ أَهۡلِ بَيۡتٖ يَكۡفُلُونَهُۥ لَكُمۡ وَهُمۡ لَهُۥ نَٰصِحُونَ
Tumanggi si Moises, dahil sa isang pagpapakana mula kay Allāh, sa pagsuso sa mga [ibang] babae nang bago Kami magsauli sa kanya sa ina niya. Kaya noong nakita ng babaing kapatid niya ang sigasig nila sa pagpapasuso sa kanya ay nagsabi iyon sa kanila: "Gagabayan ko po kaya kayo sa isang sambahayan na magsasagawa ng pagpapasuso sa kanya at pag-aaruga sa kanya habang sila sa kanya ay mga tagapagpayo?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَرَدَدۡنَٰهُ إِلَىٰٓ أُمِّهِۦ كَيۡ تَقَرَّ عَيۡنُهَا وَلَا تَحۡزَنَ وَلِتَعۡلَمَ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Kaya ibinalik si Moises sa ina niya upang magalak ang mata nito sa pagkakita sa kanya nang malapitan at hindi ito malungkot dahilan sa pagkakawalay sa kanya at upang makaalam ito na ang pangako ni Allāh ng pagbabalik sa kanya rito ay totoong walang mapag-aatubilihan doon, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam sa pangakong ito at walang isang nakaaalam na iyon ay ang ina niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تدبير الله لعباده الصالحين بما يسلمهم من مكر أعدائهم.
Ang pagpapakana ni Allāh para sa mga lingkod Niyang maayos ng nagliligtas sa kanila laban sa panggugulang ng mga kaaway nila.

• تدبير الظالم يؤول إلى تدميره.
Ang pagpapakana ng tagalabag sa katarungan ay nauuwi sa pagkawasak niya.

• قوة عاطفة الأمهات تجاه أولادهن.
Ang lakas ng emosyon ng mga ina para sa mga anak nila.

• جواز استخدام الحيلة المشروعة للتخلص من ظلم الظالم.
Ang pagpayag sa paggamit ng panlalalang na ipinahihintulot para magwaksi ng kawalang-katarungan ng tagalabag sa katarungan.

• تحقيق وعد الله واقع لا محالة.
Ang pagsasakatuparan ng pangako ni Allāh ay nagaganap nang walang pasubali.

وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُۥ وَٱسۡتَوَىٰٓ ءَاتَيۡنَٰهُ حُكۡمٗا وَعِلۡمٗاۚ وَكَذَٰلِكَ نَجۡزِي ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Noong umabot siya sa edad ng kalakasan ng katawan at tumibay siya sa lakas niya ay nagbigay Kami sa kanya ng pag-intindi at kaalaman sa relihiyon ng mga anak ni Israel bago ng pagkapropeta niya. Kung paanong gumanti Kami kay Moises sa pagtalima niya, gaganti Kami sa mga tagagawa ng maganda sa bawat panahon at pook.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَدَخَلَ ٱلۡمَدِينَةَ عَلَىٰ حِينِ غَفۡلَةٖ مِّنۡ أَهۡلِهَا فَوَجَدَ فِيهَا رَجُلَيۡنِ يَقۡتَتِلَانِ هَٰذَا مِن شِيعَتِهِۦ وَهَٰذَا مِنۡ عَدُوِّهِۦۖ فَٱسۡتَغَٰثَهُ ٱلَّذِي مِن شِيعَتِهِۦ عَلَى ٱلَّذِي مِنۡ عَدُوِّهِۦ فَوَكَزَهُۥ مُوسَىٰ فَقَضَىٰ عَلَيۡهِۖ قَالَ هَٰذَا مِنۡ عَمَلِ ٱلشَّيۡطَٰنِۖ إِنَّهُۥ عَدُوّٞ مُّضِلّٞ مُّبِينٞ
Pumasok si Moises sa lungsod sa isang oras ng pamamahinga ng mga tao sa mga bahay nila. Nakatagpo siya roon ng dalawang lalaking nag-aalitan at nagsasapukan. Ang isa sa dalawa ay kabilang sa mga anak ni Israel na mga kalipi ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ang iba naman ay kabilang mga Kopto na mga kalipi ni Paraon na mga kaaway ni Moises. Humiling ang kabilang sa lipi niya na tulungan niya ito laban sa kabilang sa mga Kopto na mga kaaway niya. Kaya sinapok ni Moises ang kopto sa pamamagitan ng nakakuyom na kamay niya saka napatay niya iyon sa pamamagitan ng pagsapok na iyon dahil sa lakas nito. Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Ito ay kabilang sa pang-aakit ng demonyo at pagpapalisya niya; tunay na ang demonyo ay isang kaaway na tagapagligaw para sa sinumang sumunod sa kanya, na maliwanag sa pagkamuhi sapagkat ang nangyari sa akin ay dahilan sa pagkamuhi niya at dahilan sa siya ay tagapagligaw na nagnanais ng pagliligaw sa akin."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ رَبِّ إِنِّي ظَلَمۡتُ نَفۡسِي فَٱغۡفِرۡ لِي فَغَفَرَ لَهُۥٓۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ
Nagsabi si Moises habang dumadalangin sa Panginoon niya habang umaamin sa nangyari sa kanya: "Panginoon ko, tunay na ako ay lumabag sa katarungan sa sarili ko dahil sa pagkapatay sa Koptong ito, kaya magpatawad Ka sa akin sa pagkakasala ko." Kaya nilinaw ni Allāh sa atin ang pagpapatawad Niya kay Moises. Tunay na Siya ay ang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ رَبِّ بِمَآ أَنۡعَمۡتَ عَلَيَّ فَلَنۡ أَكُونَ ظَهِيرٗا لِّلۡمُجۡرِمِينَ
Pagkatapos nagpatuloy ang ulat tungkol sa panalangin ni Moises na nagsabi hinggil doon: "Panginoon ko, dahilan sa ibiniyaya Mo sa akin na kalakasan, karunungan, at kaalaman, hindi ako magiging isang tagatulong sa mga salarin sa pagsasalarin nila."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَصۡبَحَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ خَآئِفٗا يَتَرَقَّبُ فَإِذَا ٱلَّذِي ٱسۡتَنصَرَهُۥ بِٱلۡأَمۡسِ يَسۡتَصۡرِخُهُۥۚ قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰٓ إِنَّكَ لَغَوِيّٞ مُّبِينٞ
Kaya noong nangyari sa kanya ang nangyari na pagkapatay sa Kopto, siya sa lungsod ay naging kinakabahang nag-aantabay sa kung ano ang mangyayari, saka biglang ang humingi sa kanya ng tulong at pag-aadya laban sa kaaway nitong Kopto kahapon ay nagpapatulong na naman sa kanya laban sa iba pang Kopto. Nagsabi sa kanya si Moises: "Tunay na Ikaw ay talagang may kalisyaan at pagkaligaw na maliwanag."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَمَّآ أَنۡ أَرَادَ أَن يَبۡطِشَ بِٱلَّذِي هُوَ عَدُوّٞ لَّهُمَا قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ أَتُرِيدُ أَن تَقۡتُلَنِي كَمَا قَتَلۡتَ نَفۡسَۢا بِٱلۡأَمۡسِۖ إِن تُرِيدُ إِلَّآ أَن تَكُونَ جَبَّارٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا تُرِيدُ أَن تَكُونَ مِنَ ٱلۡمُصۡلِحِينَ
Kaya noong nagnais si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na sumunggab sa Kopto na isang kaaway para sa kanya at para sa Israelita, nagpalagay ang Israelita na si Moises ay nagnanais na sumunggab sa kanya noong nakarinig siya rito na nagsasabi: "Tunay na Ikaw ay talagang isang lisyang malinaw." Kaya nagsabi siya kay Moises: "Nagnanais ka ba na pumatay sa akin tulad ng pagpatay mo sa isang tao kahapon? Wala kang ninanais kundi na ikaw ay maging isang mapaniil sa lupain: pumapatay ka ng mga tao at lumalabag ka sa katarungan sa kanila. Hindi ka nagnanais na ikaw ay maging kabilang sa mga tagapagsaayos sa pagitan ng mga nagkakaalitan."
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَجَآءَ رَجُلٞ مِّنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰمُوسَىٰٓ إِنَّ ٱلۡمَلَأَ يَأۡتَمِرُونَ بِكَ لِيَقۡتُلُوكَ فَٱخۡرُجۡ إِنِّي لَكَ مِنَ ٱلنَّٰصِحِينَ
Noong lumaganap ang ulat at may dumating na isang lalaki mula sa pinakamalayo ng lungsod, na nagmamadali dala ng pagkahabag kay Moises sa [gagawing] pag-uusig. Nagsabi ito: "O Moises, tunay na ang mga maharlika kabilang sa mga tao ni Paraon ay nagsasanggunian hinggil sa pagpatay sa iyo kaya lumisan ka mula sa bayan. Tunay na ako para sa iyo ay kabilang sa mga tagapayo dala ng pagkahabag sa iyo na baka maabutan ka nila para patayin ka nila."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَخَرَجَ مِنۡهَا خَآئِفٗا يَتَرَقَّبُۖ قَالَ رَبِّ نَجِّنِي مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya sumunod si Moises sa utos ng lalaking tagapayo saka lumisan siya mula sa bayan habang kinakabahang nag-aantabay kung ano ang mangyayari sa kanya. Nagsabi siya habang dumadalangin sa Panginoon niya: "Panginoon ko, iligtas Mo ako mula sa mga taong tagalabag sa katarungan para hindi sila makapagpaabot sa akin ng isang kasagwaan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الاعتراف بالذنب من آداب الدعاء.
Ang pag-amin ng pagkakasala ay kabilang sa mga magandang kaasalan sa pagdalangin.

• الشكر المحمود هو ما يحمل العبد على طاعة ربه، والبعد عن معصيته.
Ang pagpapasalamat na pinapupurihan ay ang nagdadala sa tao sa pagtalima sa Panginoon niya at paglayo sa pagsuway sa Kanya.

• أهمية المبادرة إلى النصح خاصة إذا ترتب عليه إنقاذ مؤمن من الهلاك.
Ang kahalagahan ng pagdadali-dali sa pagpayo lalo na kapag nagresulta roon ang pagsagip sa isang mananampalataya mula sa kapahamakan.

• وجوب اتخاذ أسباب النجاة، والالتجاء إلى الله بالدعاء.
Ang pagkakailangan ng paggamit ng mga kaparaanan ng kaligtasan at ang pagdulog kay Allāh sa pamamagitan ng panalangin.

وَلَمَّا تَوَجَّهَ تِلۡقَآءَ مَدۡيَنَ قَالَ عَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يَهۡدِيَنِي سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ
Noong humayo siya nang nakaharap ang mukha niya sa dako ng Madyan ay nagsabi siya: "Marahil ang Panginoon ko ay gagabay sa akin tungo sa pinakamabuting daan para hindi ako maligaw palayo roon."
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَمَّا وَرَدَ مَآءَ مَدۡيَنَ وَجَدَ عَلَيۡهِ أُمَّةٗ مِّنَ ٱلنَّاسِ يَسۡقُونَ وَوَجَدَ مِن دُونِهِمُ ٱمۡرَأَتَيۡنِ تَذُودَانِۖ قَالَ مَا خَطۡبُكُمَاۖ قَالَتَا لَا نَسۡقِي حَتَّىٰ يُصۡدِرَ ٱلرِّعَآءُۖ وَأَبُونَا شَيۡخٞ كَبِيرٞ
Noong dumating siya sa tubigan ng Madyan na iniinuman nila, nakatagpo siya ng isang pangkat ng mga tao na nagpapainom ng mga hayupan nila at nakatagpo siya bukod pa sa kanila ng dalawang babaing pumipigil sa mga tupa nilang dalawa sa tubig hanggang sa makapagpainom ang mga tao. Nagsabi sa kanilang dalawa si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Ano ang lagay ninyong dalawa na hindi kayo nagpapainom kasama ng mga tao?" Nagsabi silang dalawa sa kanya: "Ang nakagawian namin ay na maghinay-hinay kami kaya hindi kami nagpapainom hanggang sa lumisan ang mga pastol dahil sa pangingilag sa pakikihalubilo sa kanila. Ang ama namin ay isang matandang lubha na sa edad; hindi siya nakakakaya na magpainom kaya napilitan kami sa pagpapainom sa mga tupa namin."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَسَقَىٰ لَهُمَا ثُمَّ تَوَلَّىٰٓ إِلَى ٱلظِّلِّ فَقَالَ رَبِّ إِنِّي لِمَآ أَنزَلۡتَ إِلَيَّ مِنۡ خَيۡرٖ فَقِيرٞ
Kaya naawa siya sa kanilang dalawa saka nagpainom siya para sa kanilang dalawa ng mga tupa nila. Pagkatapos lumisan siya patungo sa lilim at nagpahinga roon. Dumalangin siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ng pangangailangan niya kaya nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako sa pinababa Mo sa akin na anumang mabuti ay nangangailangan."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَجَآءَتۡهُ إِحۡدَىٰهُمَا تَمۡشِي عَلَى ٱسۡتِحۡيَآءٖ قَالَتۡ إِنَّ أَبِي يَدۡعُوكَ لِيَجۡزِيَكَ أَجۡرَ مَا سَقَيۡتَ لَنَاۚ فَلَمَّا جَآءَهُۥ وَقَصَّ عَلَيۡهِ ٱلۡقَصَصَ قَالَ لَا تَخَفۡۖ نَجَوۡتَ مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya noong nakaalis silang dalawa ay nagbalita silang dalawa sa ama nilang dalawa hinggil kay Moises, saka nagsugo naman iyon sa isa sa kanilang dalawa patungo sa kanya upang mag-anyaya sa kanya. Dumating sa kanya ito, na naglalakad nang nahihiya. Nagsabi ito: "Tunay na ang ama ko ay nag-aanyaya sa iyo na pumunta ka sa kanya sa layunin na gumanti siya sa iyo ng pabuya mo sa pagpainom mo [sa kawan] para sa amin." Kaya noong dumating si Moises sa ama nilang dalawa at nagbalita siya roon ng mga kuwento niya, nagsabi iyon sa kanya habang pumapanatag sa kanya: "Huwag kang mangamba; nakaligtas ka mula sa mga taong tagalabag sa katarungan, na sina Paraon at ang konseho niya, sapagkat tunay na walang kapamahalaan para sa kanila sa Madyan kaya hindi sila makakakaya na magpaabot sa iyo ng isang pananakit."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَتۡ إِحۡدَىٰهُمَا يَٰٓأَبَتِ ٱسۡتَـٔۡجِرۡهُۖ إِنَّ خَيۡرَ مَنِ ٱسۡتَـٔۡجَرۡتَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡأَمِينُ
Nagsabi ang isa sa dalawang babaing anak niyon: "O Ama ko, upahan mo siya upang magpastol ng mga tupa natin sapagkat siya ay marapat na upahan mo dahil sa pagkakatipon sa kanya ng lakas at tiwala. Sa pamamagitan ng lakas ay gagampanan niya ang iniatang sa kanya at sa pamamagitan ng tiwala ay pangangalagaan niya ang ipinagkatiwala sa kanya."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ إِنِّيٓ أُرِيدُ أَنۡ أُنكِحَكَ إِحۡدَى ٱبۡنَتَيَّ هَٰتَيۡنِ عَلَىٰٓ أَن تَأۡجُرَنِي ثَمَٰنِيَ حِجَجٖۖ فَإِنۡ أَتۡمَمۡتَ عَشۡرٗا فَمِنۡ عِندِكَۖ وَمَآ أُرِيدُ أَنۡ أَشُقَّ عَلَيۡكَۚ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلصَّٰلِحِينَ
Nagsabi ang ama nilang dalawa habang kumakausap kay Moises -sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Tunay na ako ay nagnanais na ipakasal sa iyo ang isa sa dalawang babaing anak kong ito sa kundisyong ang bigay-kaya sa kanya ay na magpastol ka ng mga tupa namin nang walong taon; ngunit kung kukumpletuhin mo ang yugto sa sampung taon, ito ay isang pagmamabuting-loob mula sa iyo, na hindi nag-oobliga sa iyo dahil ang kasunduan ay sa walong taon lamang naman kaya ang anumang higit doon ay pagkukusang-loob. Hindi ako nagnanais na mag-obliga sa iyo ng anumang may pabigat sa iyo. Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga maayos na tumutupad sa mga kasunduan at hindi sumisira sa mga pangako."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ ذَٰلِكَ بَيۡنِي وَبَيۡنَكَۖ أَيَّمَا ٱلۡأَجَلَيۡنِ قَضَيۡتُ فَلَا عُدۡوَٰنَ عَلَيَّۖ وَٱللَّهُ عَلَىٰ مَا نَقُولُ وَكِيلٞ
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Yaong nasa pagitan ko at pagitan mo ay ayon sa napagkasunduan natin. Alin man sa dalawang yugtong gagawa ako para sa iyo na walong taon o sampung taon, ako ay makatutupad na ng kailangan sa akin kaya huwag kang humiling sa akin ng karagdagan. Si Allāh ay Pinananaligan sa napagkasunduan natin at Tagapagmasid doon."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الالتجاء إلى الله طريق النجاة في الدنيا والآخرة.
Ang pagdulog kay Allāh ay daan ng kaligtasan sa Mundo at Kabilang-buhay.

• حياء المرأة المسلمة سبب كرامتها وعلو شأنها.
Ang hiya ng babaing Muslim ay isang kadahilanan ng karangalan niya at kataasan ng lagay niya.

• مشاركة المرأة بالرأي، واعتماد رأيها إن كان صوابًا أمر محمود.
Ang pakikilahok ng babae sa opinyon at ang pagsalig sa opinyon kung tama naman ay isang bagay na pinapupurihan.

• القوة والأمانة صفتا المسؤول الناجح.
Ang lakas at ang tiwala ay dalawang katangian ng matagumpay na nangangasiwa.

• جواز أن يكون المهر منفعة.
Ang pagpayag na ang bigay-kaya ay [serbisyong] napakikinabangan.

۞ فَلَمَّا قَضَىٰ مُوسَى ٱلۡأَجَلَ وَسَارَ بِأَهۡلِهِۦٓ ءَانَسَ مِن جَانِبِ ٱلطُّورِ نَارٗاۖ قَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِخَبَرٍ أَوۡ جَذۡوَةٖ مِّنَ ٱلنَّارِ لَعَلَّكُمۡ تَصۡطَلُونَ
Kaya noong nakumpleto ni Moises at nagampanan ang dalawang taning na sampung taon at humayo siya kasama ng mag-anak niya mula sa Madyan patungo sa Ehipto, nakakita siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: "Mamalagi kayo; tunay na ako ay nakakita ng isang apoy. Harinawa ako ay makapagdala sa inyo mula roon ng isang ulat o makapagdala ng isang ningas ng apoy na magpaparikit kayo sa pamamagitan niyon ng apoy, nang harinawa kayo ay makapagpapainit laban sa ginaw."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ مِن شَٰطِيِٕ ٱلۡوَادِ ٱلۡأَيۡمَنِ فِي ٱلۡبُقۡعَةِ ٱلۡمُبَٰرَكَةِ مِنَ ٱلشَّجَرَةِ أَن يَٰمُوسَىٰٓ إِنِّيٓ أَنَا ٱللَّهُ رَبُّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya noong dumating si Moises sa apoy na nakita niya, tumawag sa kanya ang Panginoon niya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – mula sa kanang gilid ng lambak, sa kinaroroonang pinagpala ni Allāh dahil sa pakikipag-usap Niya kay Moises mula sa punong-kahoy, na [nagsasabi]: "O Moises, tunay na Ako ay si Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَنۡ أَلۡقِ عَصَاكَۚ فَلَمَّا رَءَاهَا تَهۡتَزُّ كَأَنَّهَا جَآنّٞ وَلَّىٰ مُدۡبِرٗا وَلَمۡ يُعَقِّبۡۚ يَٰمُوسَىٰٓ أَقۡبِلۡ وَلَا تَخَفۡۖ إِنَّكَ مِنَ ٱلۡأٓمِنِينَ
Maghagis ka ng tungkod mo." Kaya naghagis nito si Moises bilang pagsunod sa utos ng Panginoon niya. Ngunit noong nakita niya ito na kumikilos at kumakawag-kawag na para bang ito ay isang ahas sa bilis nito, tumalikod siya habang tumatakas sa takot doon at hindi bumalik mula sa pagtakas niya. Kaya nanawagan sa kanya ang Panginoon niya: "O Moises, lumapit ka at huwag kang mangamba riyan sapagkat tunay na ikaw ay kabilang sa mga tiwasay mula riyan at mula sa iba pa riyan kabilang sa pinangangambahan mo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱسۡلُكۡ يَدَكَ فِي جَيۡبِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٖ وَٱضۡمُمۡ إِلَيۡكَ جَنَاحَكَ مِنَ ٱلرَّهۡبِۖ فَذَٰنِكَ بُرۡهَٰنَانِ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ قَوۡمٗا فَٰسِقِينَ
Ipasok mo ang kanang kamay mo sa bukasan ng kamisa mo mula sa malapit sa leeg, lalabas ito na maputi na walang ketong," kaya ipinasok naman ito ni Moises saka lumabas ito na mabuti gaya ng niyebe. "Iyapos mo sa iyo ang kamay mo upang mapanatag ang pangamba mo," kaya iniyapos naman ni Moises ito sa kanya kaya naglaho sa kanya ang pangamba. "Kaya ang dalawang nabanggit na ito, ang tungkod at ang kamay, ay dalawang patunay na isinugo mula sa Panginoon mo kay Paraon at sa mga maharlika nito kabilang sa mga tao nito. Tunay na sila noon ay mga taong lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ رَبِّ إِنِّي قَتَلۡتُ مِنۡهُمۡ نَفۡسٗا فَأَخَافُ أَن يَقۡتُلُونِ
Nagsabi si Moises habang nagsusumamo sa Panginoon nito: "Tunay na ako ay nakapatay mula sa kanila ng isang tao kaya nangangamba ako na patayin nila ako dahil sa kanya kung pumunta ako sa kanila upang magpaabot ako sa kanila ng ipinasugo Mo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَخِي هَٰرُونُ هُوَ أَفۡصَحُ مِنِّي لِسَانٗا فَأَرۡسِلۡهُ مَعِيَ رِدۡءٗا يُصَدِّقُنِيٓۖ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ
Ang kapatid ko na si Aaron ay higit na malinaw kaysa sa akin sa pagsasalita, kaya ipadala Mo siya kasama sa akin bilang tagatulong na aalinsunod sa akin sa pagsasalita ko, kung magpapasinungaling sa akin si Paraon at ang mga tao niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin gaya nang nakagawian ng mga kalipunan na pinadalhan ng mga sugo bago ko pa ako sapagkat nagpasinungaling ang mga iyon sa kanila."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ سَنَشُدُّ عَضُدَكَ بِأَخِيكَ وَنَجۡعَلُ لَكُمَا سُلۡطَٰنٗا فَلَا يَصِلُونَ إِلَيۡكُمَا بِـَٔايَٰتِنَآۚ أَنتُمَا وَمَنِ ٱتَّبَعَكُمَا ٱلۡغَٰلِبُونَ
Nagsabi si Allāh habang sumasagot sa panalangin ni Moises: "Palalakasin ka Namin, O Moises, sa pamamagitan ng pagpapadala sa kapatid mo kasama sa iyo bilang sugong tagatulong. Maglalagay Kami sa inyong dalawa ng katwiran at pagkatig kaya hindi sila makapagpapaabot sa inyong dalawa ng kasagwaang kasusuklaman ninyong dalawa. Dahilan sa mga tanda Naming isinugo Namin kayong dalawa dahil sa mga ito, kayong dalawa at ang sinumang sumunod sa inyong dalawa kabilang sa mga mananampalataya ay ang mga inaadya."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الوفاء بالعقود شأن المؤمنين.
Ang pagtupad sa mga kasunduan ay gawi ng mga mananampalataya.

• تكليم الله لموسى عليه السلام ثابت على الحقيقة.
Ang pakikipag-usap ni Allāh kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay nakabatay sa reyalidad.

• حاجة الداعي إلى الله إلى من يؤازره.
Ang pangangailangan ng nag-aanyaya tungo kay Allāh sa sinumang makatutuwang sa kanya.

• أهمية الفصاحة بالنسبة للدعاة.
Ang kahalagahan ng katatasan sa panig sa mga tagapag-aanyaya sa Islām.

فَلَمَّا جَآءَهُم مُّوسَىٰ بِـَٔايَٰتِنَا بَيِّنَٰتٖ قَالُواْ مَا هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّفۡتَرٗى وَمَا سَمِعۡنَا بِهَٰذَا فِيٓ ءَابَآئِنَا ٱلۡأَوَّلِينَ
Kaya noong naghatid sa kanila si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng mga tanda Namin bilang mga nagliliwanag ay nagsabi sila: "Walang iba ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha, na nilikha-likha ni Moises. Hindi kami nakarinig ng ganito sa mga ninuno naming pinakauna."
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ مُوسَىٰ رَبِّيٓ أَعۡلَمُ بِمَن جَآءَ بِٱلۡهُدَىٰ مِنۡ عِندِهِۦ وَمَن تَكُونُ لَهُۥ عَٰقِبَةُ ٱلدَّارِۚ إِنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ
Nagsabi si Moises habang kumakausap kay Paraon: "Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa nagsatotoo na nagdala ng kagabayan mula sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – at nakaaalam sa sinumang magkakaroon ng kahihinatnang napupurihan sa Kabilang-buhay. Tunay na hindi magtatamo ang mga tagalabag sa katarungan ng hinihiling nila at hindi sila maliligtas sa pinangingilabutan nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ فِرۡعَوۡنُ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡمَلَأُ مَا عَلِمۡتُ لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرِي فَأَوۡقِدۡ لِي يَٰهَٰمَٰنُ عَلَى ٱلطِّينِ فَٱجۡعَل لِّي صَرۡحٗا لَّعَلِّيٓ أَطَّلِعُ إِلَىٰٓ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُۥ مِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Nagsabi si Paraon habang kumakausap sa mga maharlika kabilang sa mga tao niya: "O konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang sinasamba na iba pa sa Akin. Kaya magpaliyab ka para sa akin, O Hāmān, sa luwad upang tumindi, saka magpatayo ka para sa akin sa papamagitan nito ng isang gusaling mataas sa pag-asang ako ay makatingin sa sinasamba ni Moises at makabatid niyon. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na si Moises ay sinungaling sa pinagsasabi niya na siya ay isinugo mula kay Allāh sa akin at sa mga tao ko."
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱسۡتَكۡبَرَ هُوَ وَجُنُودُهُۥ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَظَنُّوٓاْ أَنَّهُمۡ إِلَيۡنَا لَا يُرۡجَعُونَ
Tumindi ang pagpapakamalaki ni Paraon mismo at ng mga kawal niya at nagmataas sila sa lupain ng Ehipto nang walang nag-oobligang karapatan. Nagkaila sila sa pagkabuhay. Nag-akala sila na sila sa Amin ay hindi pababalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at parusa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَخَذۡنَٰهُ وَجُنُودَهُۥ فَنَبَذۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡيَمِّۖ فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلظَّٰلِمِينَ
Kaya dumaklot Kami sa kanya at dumaklot Kami sa mga kawal niya saka inihagis Namin sila sa dagat para malunod hanggang sa napahamak sila sa kalahatan. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang kinauwian ng mga tagalabag sa katarungan at wakas nila sapagkat ang kinauwian nila at ang wakas nila ay ang kapahamakan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَئِمَّةٗ يَدۡعُونَ إِلَى ٱلنَّارِۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا يُنصَرُونَ
Gumawa Kami sa kanila bilang mga huwaran para sa mga tagapagmalabis at mga tagapagligaw patungo sa Apoy dahil sa ipinalalaganap nila na kawalang-pananampalataya at pagkaligaw. Sa Araw ng Pagbangon ay hindi sila iaadya sa pamamagitan ng pagsagip sa kanila mula sa Apoy. Bagkus pag-iibayuhin sa kanila ang pagdurusa dahil nagsakalakaran sila ng mga kalakarang masagwa at nag-anyaya sila tungo roon ng kaligawan. Isusulat laban sa kanila ang kasalanan ng gawain nila dahil doon at ang kasalanan ng gawain ng sinumang sumunod sa kanila sa paggawa niyon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَتۡبَعۡنَٰهُمۡ فِي هَٰذِهِ ٱلدُّنۡيَا لَعۡنَةٗۖ وَيَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ هُم مِّنَ ٱلۡمَقۡبُوحِينَ
Pinasundan Namin sila bilang karagdagan sa kaparusahan sa kanila sa Mundong ito ng isang kahihiyan at isang pagtataboy. Sa araw ng Pagbangon, sila ay kabilang sa mga pupulaan at mga ilalayo sa awa ni Allāh.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ مِنۢ بَعۡدِ مَآ أَهۡلَكۡنَا ٱلۡقُرُونَ ٱلۡأُولَىٰ بَصَآئِرَ لِلنَّاسِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٗ لَّعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah noong matapos na nagsugo Kami sa mga salinlahing nauna ng mga sugo Namin ngunit nagpasinungaling sila sa mga iyon kaya nagpahamak Kami sa kanila dahilan sa pagpapasinungaling nila sa mga iyon. Nasa Torah ang nagpapatalos sa mga tao sa makapagpapakinabang sa kanila kaya magsasagawa sila nito at sa makapipinsala sa kanila kaya mag-iiwan sila nito. Naroon ang paggagabay sa kanila tungo sa kabutihan, at bilang awa dahil sa taglay niyon na mga kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay, nang sa gayon sila ay magsasaalaala sa mga biyaya ni Allāh sa kanila kaya magpapasalamat sila sa Kanya at sasampalataya sila sa Kanya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• رَدُّ الحق بالشبه الواهية شأن أهل الطغيان.
Ang pagtanggi sa katotohanan sa pamamagitan ng mahinang maling akala ay gawi ng mga kampon ng pagmamalabis.

• التكبر مانع من اتباع الحق.
Ang pagpapakamalaki ay isang tagahadlang sa pagsunod sa katotohanan.

• سوء نهاية المتكبرين من سنن رب العالمين.
Ang kasagwaan ng wakas ng mga nagpapakamalaki ay kabilang sa mga kalakaran (sunnah) ng Panginoon ng mga nilalang.

• للباطل أئمته ودعاته وصوره ومظاهره.
Ang kabulaanan ay may mga pinuno nito, mga tagapag-anyaya nito, mga anyo nito, at mga pagpapakita nito.

وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلۡغَرۡبِيِّ إِذۡ قَضَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَى ٱلۡأَمۡرَ وَمَا كُنتَ مِنَ ٱلشَّٰهِدِينَ
Hindi ka noon, O Sugo, nakadalo sa gilid ng kanluraning bahagi ng bundok kaugnay kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang nagpaabot Kami kay Moises ng utos sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanya kay Paraon at sa konseho nito. Hindi ka noon kabilang sa mga nakadalo upang malaman mo ang ulat niyon para magsalaysay ka sa mga tao sapagkat ang anumang ipinababatid mo sa kanila ay kabilang sa kasi ni Allāh sa iyo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَٰكِنَّآ أَنشَأۡنَا قُرُونٗا فَتَطَاوَلَ عَلَيۡهِمُ ٱلۡعُمُرُۚ وَمَا كُنتَ ثَاوِيٗا فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ تَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَا وَلَٰكِنَّا كُنَّا مُرۡسِلِينَ
Subalit Kami ay nagpaluwal ng mga kalipunan at mga nilikha noong matapos ni Moises saka nagkalayuan sa kanila ang panahon hanggang sa nakalimot sila sa mga kasunduan kay Allāh. Hindi ka noon nananatili sa mga naninirahan sa Madyan, na bumibigkas sa kanila ng mga talata Namin, subalit Kami ay nagsugo sa iyo mula sa ganang Amin kaya nagkasi Kami sa iyo ng ulat kay Moises at pananatili niya sa Madyan. Kaya nagpabatid ka sa mga tao ng ikinasi ni Allāh sa iyo kabilang doon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا كُنتَ بِجَانِبِ ٱلطُّورِ إِذۡ نَادَيۡنَا وَلَٰكِن رَّحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٖ مِّن قَبۡلِكَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Hindi ka noon nasa gilid ng bundok noong nanawagan kay Moises at nagkasi sa kanya ng ikinasi upang magpabatid ka niyon. Subalit isinugo ka bilang awa mula sa Panginoon mo para sa mga tao kaya ikinasi sa iyo ang ulat niyon upang magbabala ka sa mga taong walang dumating sa kanila na anumang sugo, bago mo pa, na nagbababala sa kanila nang sa gayon sila ay mapangangaralan saka sasampalataya sa inihatid mo sa kanila mula sa ganang kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَوۡلَآ أَن تُصِيبَهُم مُّصِيبَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ فَيَقُولُواْ رَبَّنَا لَوۡلَآ أَرۡسَلۡتَ إِلَيۡنَا رَسُولٗا فَنَتَّبِعَ ءَايَٰتِكَ وَنَكُونَ مِنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kung hindi dahil na may ipinatamo sa kanila na isang kaparusahang makadiyos – dahilan sa taglay nilang kawalang-pananampalataya at mga pagsuway – para magsabi sila habang mga nangangatwiran ng kawalan ng pagsusugo ng isang sugo sa kanila: "Bakit kaya hindi Ka nagpadala sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga talata Mo, gumawa kami ayon sa mga ito, at kami ay maging kabilang sa mga mananampalatayang nagsasagawa sa utos ng Panginoon nila?" Kung hindi dahil doon ay talaga sanang minadali Namin sila sa parusa, subalit Kami ay nagpaliban niyon sa kanila hanggang sa makapagbigay-dahilan Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang sugo sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلۡحَقُّ مِنۡ عِندِنَا قَالُواْ لَوۡلَآ أُوتِيَ مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ مُوسَىٰٓۚ أَوَلَمۡ يَكۡفُرُواْ بِمَآ أُوتِيَ مُوسَىٰ مِن قَبۡلُۖ قَالُواْ سِحۡرَانِ تَظَٰهَرَا وَقَالُوٓاْ إِنَّا بِكُلّٖ كَٰفِرُونَ
Ngunit noong naghatid sa [liping] Quraysh si Muḥammad ng pasugo mula sa Panginoon niya ay nagtanong sila sa mga Hudyo tungkol doon kaya nagdikta ang mga ito sa kanila ng katwirang ito kaya nagsabi sila : "Bakit kaya hindi binigyan si Muḥammad ng tulad sa ibinigay kay Moises na mga tandang nagpapatunay na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya, gaya ng [paggaling ng] kamay at tungkod [na naging ahas]?" Sabihin mo, O Sugo, bilang pagtugon sa kanila: "Hindi ba tumangging sumampalataya ang mga Hudyo sa ibinigay kay Moises bago pa nito?" Nagsabi sila kaugnay sa Torah at Qur'ān: "Ang dalawang ito ay dalawang panggagaway na kumakatig ang isa sa dalawa sa isa pa." Nagsabi pa sila: "Tunay na kami sa bawat isa sa Torah at Qur'ān ay mga tagatangging sumampalataya."
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ فَأۡتُواْ بِكِتَٰبٖ مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِ هُوَ أَهۡدَىٰ مِنۡهُمَآ أَتَّبِعۡهُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga ito: "Kaya maghatid kayo ng isang kasulatang ibinaba mula sa ganang kay Allāh, na higit na mapaggabay sa landas kaysa sa Torah at Qur'ān; sapagkat kung makapagdadala kayo nito, susunod ako roon kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo na ang Torah at ang Qur'ān ay dalawang panggagaway."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَإِن لَّمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَكَ فَٱعۡلَمۡ أَنَّمَا يَتَّبِعُونَ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَمَنۡ أَضَلُّ مِمَّنِ ٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ بِغَيۡرِ هُدٗى مِّنَ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Ngunit kung hindi tumugon ang [liping] Quraysh sa pinaanyaya mo sa kanila na paglalahad ng isang kasulatang higit na mapaggabay kaysa sa Torah at Qur'ān, tiyakin mo na ang pagpapasinungaling nila sa dalawang ito ay hindi buhat sa isang patunay; ito ay pagsunod lamang sa pithaya. Walang isang higit na ligaw kaysa sa sinumang sumunod sa pithaya niya nang walang patnubay mula kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan at pagkagabay sa mga taong tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• نفي علم الغيب عن رسول الله صلى الله عليه وسلم إلَّا ما أطلعه الله عليه.
Ang pagkakaila ng kaalaman sa Lingid sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – maliban sa ipinabatid ni Allāh sa kanya.

• اندراس العلم بتطاول الزمن.
Ang pagkapawi ng kaalaman dahil sa pagkatagal-tagal ng panahon.

• تحدّي الكفار بالإتيان بما هو أهدى من وحي الله إلى رسله.
Ang paghamon sa mga tagatangging sumampalataya na maglahad ng anumang higit na mapaggabay kaysa sa kasi ni Allāh sa mga sugo Niya.

• ضلال الكفار بسبب اتباع الهوى، لا بسبب اتباع الدليل.
Ang pagkaligaw ng mga tagatangging sumampalataya dahilan sa pagsunod sa pithaya, hindi dahilan sa pagsunod sa patunay.

۞ وَلَقَدۡ وَصَّلۡنَا لَهُمُ ٱلۡقَوۡلَ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Talaga ngang nagparating Kami sa mga tagapagtambal at mga Hudyo kabilang sa mga anak ni Israel ng pagsasabi ng mga kasaysayan ng mga kalipunang nauna at ng pinadapo Namin sa kanila na pagdurusa noong nagpasinungaling sila sa mga sugo Namin, sa pag-asang mapangaralan sila sa pamamagitan niyon para sumampalataya sila upang hindi sana tumama sa kanila ang [pagdurusang] tumama sa kanila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
ٱلَّذِينَ ءَاتَيۡنَٰهُمُ ٱلۡكِتَٰبَ مِن قَبۡلِهِۦ هُم بِهِۦ يُؤۡمِنُونَ
Ang mga nagpakatatag sa pananampalataya sa Torah noong bago ng pagbaba ng Qur'ān ay sa Qur'ān sumasampalataya yayamang nakatatagpo sila sa mga kasulatan nila ng pagpapabatid hinggil dito at ng paglalarawan dito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِهِۦٓ إِنَّهُ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّنَآ إِنَّا كُنَّا مِن قَبۡلِهِۦ مُسۡلِمِينَ
Kapag binibigkas ito sa kanila ay nagsasabi sila: "Sumampalataya kami rito. Tunay na ito ay ang katotohanang walang pag-aatubili hinggil dito, na ibinaba mula sa Panginoon Namin. Tunay na kami dati noong bago pa ng Qur'ān na ito ay mga tagapagpasakop dahil sa pananampalataya namin sa inihatid ng mga sugo noong bago pa nito."
Ang mga Tafsir na Arabe:
أُوْلَٰٓئِكَ يُؤۡتَوۡنَ أَجۡرَهُم مَّرَّتَيۡنِ بِمَا صَبَرُواْ وَيَدۡرَءُونَ بِٱلۡحَسَنَةِ ٱلسَّيِّئَةَ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ
Ang mga nailarawang iyon ayon sa nabanggit ay magbibigay sa kanila si Allāh ng gantimpala sa gawa nila nang dalawang ulit dahilan sa pagtitiis nila sa pananampalataya sa kasulatan nila at dahil sa pananampalataya nila kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nang ipinadala siya, at nagtutulak sila, sa pamamagitan ng mga maganda sa mga gawa nilang maayos, sa nakamit nila na mga kasalanan, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila sa mga uri ng kabutihan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَإِذَا سَمِعُواْ ٱللَّغۡوَ أَعۡرَضُواْ عَنۡهُ وَقَالُواْ لَنَآ أَعۡمَٰلُنَا وَلَكُمۡ أَعۡمَٰلُكُمۡ سَلَٰمٌ عَلَيۡكُمۡ لَا نَبۡتَغِي ٱلۡجَٰهِلِينَ
Kapag nakarinig ang mga mananampalatayang ito kabilang sa mga may kasulatan ng kabulaanan sa pananalita ay umaayaw sila roon habang hindi tumutuon doon. Nagsasabi sila habang mga kumakausap sa mga tagapagsabi niyon: "Ukol sa amin ang ganti sa mga gawa namin at ukol sa inyo ang ganti sa mga gawa ninyo. Naligtas kayo mula sa amin mula sa pang-aalipusta at pananakit. Hindi kami naghahangad ng pakikisama sa mga alagad ng kamangmangan dahil sa dulot nito na pamiminsala at pananakit sa Relihiyon at [buhay sa] Mundo."
Ang mga Tafsir na Arabe:
إِنَّكَ لَا تَهۡدِي مَنۡ أَحۡبَبۡتَ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ يَهۡدِي مَن يَشَآءُۚ وَهُوَ أَعۡلَمُ بِٱلۡمُهۡتَدِينَ
Tunay na ikaw, O Sugo, ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, tulad ni Abū Ṭālib at iba pa, sa pamamagitan ng pagtutuon doon sa pananampalataya; subalit si Allāh lamang ay nagtutuon sa sinumang niloloob Niya sa kapatnubayan. Siya ay higit na maalam sa sinumang nauna sa kaalaman Niya na ito ay kabilang sa mga napapatnubayan tungo sa landasing tuwid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالُوٓاْ إِن نَّتَّبِعِ ٱلۡهُدَىٰ مَعَكَ نُتَخَطَّفۡ مِنۡ أَرۡضِنَآۚ أَوَلَمۡ نُمَكِّن لَّهُمۡ حَرَمًا ءَامِنٗا يُجۡبَىٰٓ إِلَيۡهِ ثَمَرَٰتُ كُلِّ شَيۡءٖ رِّزۡقٗا مِّن لَّدُنَّا وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ
Nagsabi ang mga tagapagtambal kabilang sa mga naninirahan sa Makkah, habang mga nagdadahi-dahilan sa pagtanggi sa pagsunod sa Islām at pagsampalataya rito: "Kung susunod kami sa Islām na ito na inihatid mo, hahablutin kami ng mga kaaway namin mula sa lupain namin nang may kabilisan." Hindi ba nagbigay-kapangyarihan Kami para sa mga tagapagtambal na ito sa isang kanlungang ipinagbabawal doon ang pagpapadanak ng mga dugo at ang kawalang-katarungan, habang natitiwasay sila roon laban sa pagsalakay ng iba laban sa kanila, habang hinahatak tungo roon ang mga bunga ng bawat bagay bilang panustos mula sa nasa Amin, na inakay Namin patungo sa kanila? Subalit ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila para magpasalamat sila sa Kanya dahil doon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَرۡيَةِۭ بَطِرَتۡ مَعِيشَتَهَاۖ فَتِلۡكَ مَسَٰكِنُهُمۡ لَمۡ تُسۡكَن مِّنۢ بَعۡدِهِمۡ إِلَّا قَلِيلٗاۖ وَكُنَّا نَحۡنُ ٱلۡوَٰرِثِينَ
Anong dami ang mga pamayanang tumangging magpasalamat sa biyaya ni Allāh sa mga iyon saka nagpakalabis ang mga iyon sa mga pagkakasala at mga pagsuway, kaya nagsugo sa mga iyon ng pagdurusa saka ipinahamak ang mga iyon sa pamamagitan nito. Kaya iyon ang mga tirahan nila: pinawi, na dinadaan-daanan ng mga tao, na hindi tinirahan noong matapos ng mga naninirahan sa mga iyon maliban ng kaunti kabilang sa ilan sa mga napararaan. Laging Kami ay ang Tagapagmana na nagmamana ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا كَانَ رَبُّكَ مُهۡلِكَ ٱلۡقُرَىٰ حَتَّىٰ يَبۡعَثَ فِيٓ أُمِّهَا رَسُولٗا يَتۡلُواْ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتِنَاۚ وَمَا كُنَّا مُهۡلِكِي ٱلۡقُرَىٰٓ إِلَّا وَأَهۡلُهَا ظَٰلِمُونَ
Hindi nangyaring ang Panginoon mo, O Sugo, ay magpapahamak ng mga pamayanan hanggang sa makapagbigay-dahilan Siya sa mga naninirahan sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang sugo sa Pamayanang Pinakamalaki sa mga ito gaya ng pagpapadala sa iyo mismo sa Ina ng mga Pamayanan, ang Makkah. Hindi nangyaring Kami ay talagang magpapahamak sa mga naninirahan sa mga pamayanan habang sila ay mga nananatili sa katotohanan. Magpapahamak lamang Kami sa kanila kung nangyaring sila ay mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• فضل من آمن من أهل الكتاب بالنبي محمد صلى الله عليه وسلم، وأن له أجرين.
Ang kalamangan ng sinumang sumampalataya kabilang sa mga may kasulatan kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at na siya ay may dalawang pabuya.

• هداية التوفيق بيد الله لا بيد غيره من الرسل وغيرهم.
Ang kapatnubayan ng pagtutuon ay nasa kamay ni Allāh, hindi nasa kamay ng iba pa sa Kanya gaya ng mga sugo at mga iba pa sa kanila.

• اتباع الحق وسيلة للأمن لا مَبْعث على الخوف كما يدعي المشركون.
Ang pagsunod sa katotohanan ay isang kaparaanan ng katiwasayan, hindi pagpukaw sa pangamba gaya ng pinagsasabi ng mga tagapagtambal.

• خطر الترف على الفرد والمجتمع.
Ang panganib ng karangyaan sa indibiduwal at lipunan.

• من رحمة الله أنه لا يهلك الناس إلا بعد الإعذار إليهم بإرسال الرسل.
Bahagi ng awa ni Allāh ay na Siya ay hindi nagpapahamak sa mga tao malibang matapos ng pagbibigay-dahilan sa kanila sa pamamagitan ng pagsusugo ng mga sugo.

وَمَآ أُوتِيتُم مِّن شَيۡءٖ فَمَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَزِينَتُهَاۚ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ
Ang ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyo na anumang bagay, ito ay kabilang sa tinatamasa ninyo at ipinanggagayak ninyo sa buhay na pangmundo, pagkatapos magmamaliw ito. Ang nasa ganang kay Allāh na gantimpalang dakila sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nagtatagal kaysa sa nasa lupa na anumang tinatamasa at gayak. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa niyon para magtangi kayo sa anumang nananatili higit sa anumang nagmamaliw?
Ang mga Tafsir na Arabe:
أَفَمَن وَعَدۡنَٰهُ وَعۡدًا حَسَنٗا فَهُوَ لَٰقِيهِ كَمَن مَّتَّعۡنَٰهُ مَتَٰعَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا ثُمَّ هُوَ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ مِنَ ٱلۡمُحۡضَرِينَ
Kaya ba ang sinumang pinangakuan Namin sa Kabilang-buhay ng paraiso at anumang naroon na kaginhawahang mamamalagi, siya ay pupunta roon nang walang mapasusubalian gaya ng sinumang binigyan Namin ng tinatamasa niya na yaman at gayak sa buhay na pangmundo, pagkatapos siya sa Araw ng Pagbangon ay magiging kabilang sa mga padadaluhin tungo sa apoy ng Impiyerno?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
[Banggitin] ang araw na mananawagan sa kanila ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – habang nagsasabi: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na kayo dati ay sumasamba sa kanila bukod pa sa Akin at nag-aangkin na sila raw ay mga katambal sa Akin?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
قَالَ ٱلَّذِينَ حَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡقَوۡلُ رَبَّنَا هَٰٓؤُلَآءِ ٱلَّذِينَ أَغۡوَيۡنَآ أَغۡوَيۡنَٰهُمۡ كَمَا غَوَيۡنَاۖ تَبَرَّأۡنَآ إِلَيۡكَۖ مَا كَانُوٓاْ إِيَّانَا يَعۡبُدُونَ
Nagsabi ang mga kinailangan sa kanila ang pagdurusa kabilang sa mga tagapag-anyaya tungo sa kawalang-pananampalataya: "Panginoon namin, ang mga ito ay ang iniligaw namin. Nanligaw kami sa kanila kung paanong naligaw kami. Nagpapawalang-kaugnayan kami sa Iyo mula sa kanila. Hindi dati sila sumasamba sa amin; dati lamang silang sumasamba sa mga demonyo."
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقِيلَ ٱدۡعُواْ شُرَكَآءَكُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُمۡ وَرَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَۚ لَوۡ أَنَّهُمۡ كَانُواْ يَهۡتَدُونَ
Sasabihin sa kanila: "Manawagan kayo sa mga pantambal ninyo upang sumagip sa inyo mula sa dinaranas ninyo na kahihiyan," saka mananawagan sila sa mga pantambal nila ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa panawagan nila at masasaksihan nila ang pagdurusang inihanda para sa kanila. Kaya pakaiibigin nila na kung sana sila ay noon nasa Mundo bilang mga napapatnubayan sa katotohanan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ مَاذَآ أَجَبۡتُمُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
[Banggitin] ang araw na mananawagan sa kanila ang Panginoon nila habang nagsasabi: "Ano ang isinagot ninyo sa mga sugo Ko na ipinadala ko sa inyo?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَعَمِيَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَنۢبَآءُ يَوۡمَئِذٖ فَهُمۡ لَا يَتَسَآءَلُونَ
Ngunit naikubli sa kanila ang mga ipinangangatwiran nila kaya hindi sila nakaalaala ng anuman at hindi nagtanong ang isa't isa sa kanila dahil sa taglay nila na hilakbot sa pagkagitla dahilan sa natiyak nila na sila ay mga masasadlak tungo roon sa pagdurusa.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَأَمَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَعَسَىٰٓ أَن يَكُونَ مِنَ ٱلۡمُفۡلِحِينَ
Ngunit hinggil sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga tagapagtambal na ito mula sa kawalang-pananampalataya nito, sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, at gumawa ng gawang maayos, marahil siya ay maging kabilang sa mga magtatamo ng hinihiling nila, mga maliligtas mula sa pinangingilabutan nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَرَبُّكَ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُ وَيَخۡتَارُۗ مَا كَانَ لَهُمُ ٱلۡخِيَرَةُۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ
Ang Panginoon mo, O Sugo, ay lumilikha ng anumang niloloob Niya na likhain at humihirang ng sinumang niloloob Niya para sa pagtalima sa Kanya at pagkapropeta nito. Hindi ukol sa mga tagapagtambal ang makapili upang tumutol kay Allāh. Nagpawalang-kinalaman Siya – Kaluwalhatian sa Kanya – at nagpakabanal Siya sa anumang sinasamba nila kasama sa Kanya na mga katambal.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَرَبُّكَ يَعۡلَمُ مَا تُكِنُّ صُدُورُهُمۡ وَمَا يُعۡلِنُونَ
Ang Panginoon mo ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ng mga dibdib nila at anumang inilalantad nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon at gaganti Siya sa kanila roon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَهُوَ ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ لَهُ ٱلۡحَمۡدُ فِي ٱلۡأُولَىٰ وَٱلۡأٓخِرَةِۖ وَلَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Siya ay si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Ukol sa Kanya lamang ang papuri sa Mundo at ukol sa Kanya ang papuri sa Kabilang-buhay. Ukol sa Kanya ang paghuhusgang natutupad na hindi naitutulak at tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• العاقل من يؤثر الباقي على الفاني.
Ang nakapag-uunawa ay ang sinumang nagtatangi sa nananatili higit sa nagmamaliw.

• التوبة تَجُبُّ ما قبلها.
Ang pagbabalik-loob ay nagpapawalang-saysay sa anumang kasalanan bago nito.

• الاختيار لله لا لعباده، فليس لعباده أن يعترضوا عليه.
Ang pagpili ay ukol kay Allāh, hindi ukol sa mga lingkod Niya, at hindi ukol sa tao na tumutol roon.

• إحاطة علم الله بما ظهر وما خفي من أعمال عباده.
Ang pagkakasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa anumang nakalitaw at anumang nakakubli na mga gawain ng mga lingkod Niya.

قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلَّيۡلَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِضِيَآءٍۚ أَفَلَا تَسۡمَعُونَ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng gabi na palagiang nagpapatuloy na walang pagkaputol hanggang sa Araw ng Pagbangon, sino ang isang sinasambang iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang tanglaw tulad ng tanglaw ng maghapon? Kaya hindi ba kayo nakaririnig ng mga katwirang ito at [hindi] kayo nakaaalam na walang Diyos kundi si Allāh, na nagdadala sa inyo niyon?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
قُلۡ أَرَءَيۡتُمۡ إِن جَعَلَ ٱللَّهُ عَلَيۡكُمُ ٱلنَّهَارَ سَرۡمَدًا إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ مَنۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِ يَأۡتِيكُم بِلَيۡلٖ تَسۡكُنُونَ فِيهِۚ أَفَلَا تُبۡصِرُونَ
Sabihin mo, O Sugo: "Magpabatid kayo sa akin kung gumawa si Allāh laban sa inyo ng maghapon na palagiang nagpapatuloy hanggang sa Araw ng Pagbangon, sino ang isang sinasambang iba pa kay Allāh, na magdadala sa inyo ng isang gabi na tatahan kayo roon upang mamahinga kayo mula sa hirap ng gawain sa maghapon? Kaya hindi ba kayo nakakikita ng mga tandang ito at [hindi] kayo nakaaalam na walang Diyos kundi si Allāh, na nagdadala sa inyo niyon sa kabuuan niyon?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمِن رَّحۡمَتِهِۦ جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ لِتَسۡكُنُواْ فِيهِ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ
Bahagi ng awa Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na gumawa Siya para inyo, O mga tao, ng gabi bilang tagapagpadilim upang mamahinga kayo roon matapos na naghirap kayo sa isang gawain sa maghapon at gumawa Siya para sa inyo ng maghapon bilang tagapagtanglaw upang magsikap kayo sa paghahanap ng panustos doon, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa inyo at hindi tatangging magpasalamat sa mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَيَوۡمَ يُنَادِيهِمۡ فَيَقُولُ أَيۡنَ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ كُنتُمۡ تَزۡعُمُونَ
[Banggitin] ang araw na mananawagan sa kanila ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – habang nagsasabi: "Nasaan ang mga katambal sa Akin na dati ninyong sinasamba bukod pa sa Akin at inaangkin na sila ay mga katambal sa Akin?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَنَزَعۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةٖ شَهِيدٗا فَقُلۡنَا هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ فَعَلِمُوٓاْ أَنَّ ٱلۡحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Maglalahad Kami mula sa bawat kalipunan ng propeta nito na sasaksi laban dito dahil sa taglay nito noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling, saka magsasabi Kami sa mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kalipunang iyon: "Magbigay kayo ng mga katwiran ninyo at mga patunay ninyo sa taglay ninyo noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling," kaya mapuputol ang mga katwiran nila at matitiyak nila na ang katotohanang walang pasubali hinggil dito ay sa kay Allāh. Malilingid sa kanila ang dati nilang nilikha-likha na mga katambal para sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
۞ إِنَّ قَٰرُونَ كَانَ مِن قَوۡمِ مُوسَىٰ فَبَغَىٰ عَلَيۡهِمۡۖ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِنَ ٱلۡكُنُوزِ مَآ إِنَّ مَفَاتِحَهُۥ لَتَنُوٓأُ بِٱلۡعُصۡبَةِ أُوْلِي ٱلۡقُوَّةِ إِذۡ قَالَ لَهُۥ قَوۡمُهُۥ لَا تَفۡرَحۡۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡفَرِحِينَ
Tunay na si Qārūn noon ay kabilang sa mga kalipi ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit nagpakamalaki siya sa kanila. Nagbigay Kami sa kanya ng mga nakalagak na mga yaman, na tunay na ang mga susi ng mga imbakan niya ay talagang bibigat ang pagpasan sa mga ito para sa pangkat na malakas, noong nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "Huwag kang matuwa ng pagkatuwa ng kawalang-pakundangan; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga natutuwa ng pagkatuwa ng kawalang-pakundangan, bagkus nasusuklam Siya sa kanila at magpaparusa Siya sa kanila dahil doon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱبۡتَغِ فِيمَآ ءَاتَىٰكَ ٱللَّهُ ٱلدَّارَ ٱلۡأٓخِرَةَۖ وَلَا تَنسَ نَصِيبَكَ مِنَ ٱلدُّنۡيَاۖ وَأَحۡسِن كَمَآ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ إِلَيۡكَۖ وَلَا تَبۡغِ ٱلۡفَسَادَ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُفۡسِدِينَ
Hilingin mo sa anumang ibinigay sa iyo ni Allāh na mga yaman ang gantimpala sa tahanan na pangkabilang-buhay sa pamamagitan ng paggugol nito sa mga uri ng kabutihan, at huwag mong kalimutan ang bahagi mo gaya ng pagkain, pag-inom, kasuutan, at iba pa roon kabilang sa mga biyaya, nang walang pagsasayang at walang kapalaluan. Gumawa ka ng maganda sa pakikitungo sa Panginoon mo at sa mga lingkod Niya kung paanong gumawa Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ng maganda sa iyo, at huwag mong hilingin ang kaguluhan sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at pag-iwan sa mga pagtalima; tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagagulo sa lupa sa pamamagitan niyon, bagkus nasusuklam sa kanila."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تعاقب الليل والنهار نعمة من نعم الله يجب شكرها له.
Ang pagsasalitan ng gabi at maghapon ay isa sa mga biyaya ni Allāh na kinakailangan ang pagpapasalamat sa mga iyon sa Kanya.

• الطغيان كما يكون بالرئاسة والملك يكون بالمال.
Ang pagmamalabis, kung paanong nangyayari sa pamumuno at paghahari, ay nangyayari sa yaman.

• الفرح بَطَرًا معصية يمقتها الله.
Ang pagkatuwa nang kawalang-pakundangan ay isang pagsuway na kinasusuklaman ni Allāh.

• ضرورة النصح لمن يُخاف عليه من الفتنة.
Ang pangangailangan sa pagpapayo para sa sinumang pinangangambahan sa kanya ang sigalot.

• بغض الله للمفسدين في الأرض.
Ang pagkasuklam ni Allāh sa mga tagagulo sa lupa.

قَالَ إِنَّمَآ أُوتِيتُهُۥ عَلَىٰ عِلۡمٍ عِندِيٓۚ أَوَلَمۡ يَعۡلَمۡ أَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَهۡلَكَ مِن قَبۡلِهِۦ مِنَ ٱلۡقُرُونِ مَنۡ هُوَ أَشَدُّ مِنۡهُ قُوَّةٗ وَأَكۡثَرُ جَمۡعٗاۚ وَلَا يُسۡـَٔلُ عَن ذُنُوبِهِمُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ
Nagsabi si Qārūn: "Binigyan lamang ako ng mga yamang ito dahil sa isang kaalamang taglay ko at isang kakayahan kaya ako ay nararapat sa mga ito dahil doon." Hindi ba nakaalam si Qārūn na si Allāh ay nagpahamak nga bago pa niya ng mga kalipunan na mga higit na matindi sa lakas at higit na marami sa natipon sa mga yaman nila? Ngunit hindi nagpakinabang sa kanila ang lakas nila ni ang mga yaman nila. Hindi tatanungin sa Araw ng Pagbangon ang mga salarin tungkol sa mga pagkakasala nila dahil sa pagkakaalam ni Allāh sa mga ito sapagkat ang pagtatanong sa kanila ay pagtatanong ng paninisi at pagsumbat.
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَخَرَجَ عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ فِي زِينَتِهِۦۖ قَالَ ٱلَّذِينَ يُرِيدُونَ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَا يَٰلَيۡتَ لَنَا مِثۡلَ مَآ أُوتِيَ قَٰرُونُ إِنَّهُۥ لَذُو حَظٍّ عَظِيمٖ
Kaya lumabas si Qārūn sa gayak niya habang naglalantad ng pagpapakitang-gilas niya. Nagsabi ang mga naghahangad ng gayak ng buhay na pangmundo kabilang sa mga kasamahan ni Qārūn: "O kung sana tayo ay binigyan ng gayak ng Mundo tulad ng ibinigay kay Qārūn; tunay na si Qārūn ay talagang may isang bahaging sapat na malaki."
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ وَيۡلَكُمۡ ثَوَابُ ٱللَّهِ خَيۡرٞ لِّمَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗاۚ وَلَا يُلَقَّىٰهَآ إِلَّا ٱلصَّٰبِرُونَ
Nagsabi naman ang mga binigyan ng kaalaman nang nakita nila si Qārūn sa gayak niya at narinig nila ang minimithi ng mga kaibigan niya: "Kapighatian sa inyo! Ang gantimpala ni Allāh sa Kabilang-buhay at ang inihanda Niya na kaginhawahan para sa sinumang sumampalataya sa Kanya at gumawa ng gawang maayos ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay kay Qārūn na ningning ng Mundo. Walang itinutuon sa pagsasabi ng pangungusap na ito at sa paggawa ayon sa hinihiling nito kundi ang mga tagapagtiis na nagtitiis sa pagtatangi ng anumang nasa kay Allāh na gantimpala higit sa anumang nasa Mundo na tinatamasang naglalaho."
Ang mga Tafsir na Arabe:
فَخَسَفۡنَا بِهِۦ وَبِدَارِهِ ٱلۡأَرۡضَ فَمَا كَانَ لَهُۥ مِن فِئَةٖ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مِنَ ٱلۡمُنتَصِرِينَ
Kaya ipinalamon Namin siya sa lupa at ang tahanan niya at ang sinumang nasa loob nito bilang paghihiganti laban sa kanya dahil sa kapalaluan niya. Hindi siya nagkaroon siyang anumang grupo na mag-aadya sa kanya bukod pa kay Allāh at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga inaadya sa pamamagitan ng sarili niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَأَصۡبَحَ ٱلَّذِينَ تَمَنَّوۡاْ مَكَانَهُۥ بِٱلۡأَمۡسِ يَقُولُونَ وَيۡكَأَنَّ ٱللَّهَ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ مِنۡ عِبَادِهِۦ وَيَقۡدِرُۖ لَوۡلَآ أَن مَّنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا لَخَسَفَ بِنَاۖ وَيۡكَأَنَّهُۥ لَا يُفۡلِحُ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Kinaumagahan, ang mga nagmithi sa nasa kanya na yaman at gayak bago ng paglamon sa kanya ay nagsasabi habang mga nanghihinayang na nagsasaalang-alang: "Hindi ba tayo nakaalam na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at nanggigipit nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila? Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si Allāh sa atin sapagkat hindi Siya nagparusa sa atin dahil sa sinabi natin, talaga sanang ipinalamon Niya tayo [sa lupa] tulad ng pagpapalamon kay Qārūn." Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya sa Mundo ni sa Kabilang-buhay, bagkus ang kahahantungan nila at ang kauuwian nila ay ang pagkalugi sa dalawang ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
تِلۡكَ ٱلدَّارُ ٱلۡأٓخِرَةُ نَجۡعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوّٗا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَا فَسَادٗاۚ وَٱلۡعَٰقِبَةُ لِلۡمُتَّقِينَ
Ang tahanan sa Kabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin bilang tahanan ng kaginhawahan at pagpaparangal para sa mga hindi nagnanais ng pagpapakamalaki sa lupa sa pag-ayaw sa pananampalataya sa katotohanan at pagsunod dito at hindi nagnanais ng kaguluhan dito. Ang kahihinatnang pinapupurihan ay ang nasa paraiso na kaginhawahan at anumang dadapo sa loob nito na pagkalugod ni Allāh para sa mga tagapangilag sa pagkakasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ خَيۡرٞ مِّنۡهَاۖ وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَلَا يُجۡزَى ٱلَّذِينَ عَمِلُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ إِلَّا مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang sinumang naghatid ng magandang gawa sa Araw ng Pagbangon gaya ng pagdarasal, zakāh, pag-aayuno, at iba pa, ukol sa kanya ay ganting higit na mabuti kaysa magandang gawang iyon yayamang pag-iibayuhin para sa kanya ang magandang gawa ng sampung tulad nito. Ang sinumang naghatid ng masagwang gawa sa Araw ng Pagbangon gaya ng kawalang-pananampalataya, pakikinabang sa patubo, pangangalunya, at iba pa roon, walang igaganti sa mga gumawa ng mga masagwang gawa kundi ang tulad sa ginawa nila, nang walang karagdagan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• كل ما في الإنسان من خير ونِعَم، فهو من الله خلقًا وتقديرًا.
Lahat ng nasa tao na kabutihan at mga biyaya ay mula kay Allāh ayon sa pagkakalikha at pagkakatakda.

• أهل العلم هم أهل الحكمة والنجاة من الفتن؛ لأن العلم يوجه صاحبه إلى الصواب.
Ang mga may kaalaman ay ang mga may karunungan at kaligtasan sa mga sigalot dahil ang kaalaman ay nagtutuon sa tagapagtaglay nito tungo sa tama.

• العلو والكبر في الأرض ونشر الفساد عاقبته الهلاك والخسران.
Ang pagmamataas at ang pagmamalaki sa lupa at ang pagpapalaganap ng kaguluhan, ang kahihinatnan nito ay ang kapahamakan at ang pagkalugi.

• سعة رحمة الله وعدله بمضاعفة الحسنات للمؤمن وعدم مضاعفة السيئات للكافر.
Ang lawak ng awa ni Allāh at ang katarungan Niya ay dahil sa pagpapaibayo sa mga magandang gawa para sa mananampalataya at kawalan ng pagpapaibayo sa mga masagwang gawa para sa mga tagatangging sumampalataya.

إِنَّ ٱلَّذِي فَرَضَ عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لَرَآدُّكَ إِلَىٰ مَعَادٖۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ مَن جَآءَ بِٱلۡهُدَىٰ وَمَنۡ هُوَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ
Tunay na ang nagpababa sa iyo ng Qur’ān at nagsatungkulin sa iyo ng pagpapaabot nito at paggawa ayon sa nasa loob nito ay talagang ang magpapabalik sa iyo sa Makkah bilang tagasakop.Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay at sinumang nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa patnubay at katotohanan."
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمَا كُنتَ تَرۡجُوٓاْ أَن يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡكَ ٱلۡكِتَٰبُ إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۖ فَلَا تَكُونَنَّ ظَهِيرٗا لِّلۡكَٰفِرِينَ
Hindi ka dati, O Sugo, umaasa – bago ng pagpapadala [sa iyo] – na iparating sa iyo ang Qur'ān bilang kasi mula kay Allāh, subalit bilang awa mula sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na humiling sa pagpapababa nito sa iyo. Kaya huwag ngang maging isang tagatulong para sa mga tagatangging sumampalataya sa anumang taglay nila na pagkaligaw.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا يَصُدُّنَّكَ عَنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ بَعۡدَ إِذۡ أُنزِلَتۡ إِلَيۡكَۖ وَٱدۡعُ إِلَىٰ رَبِّكَۖ وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلۡمُشۡرِكِينَ
Huwag ngang magpapalihis sa iyo ang mga tagapagtambal na ito palayo sa mga talata ni Allāh – matapos ng pagpapababa sa mga ito sa iyo – para iwan mo ang pagbigkas ng mga ito at ang pagpaparating ng mga ito. Mag-anyaya ka sa mga tao tungo sa pananampalataya kay Allāh, paniniwala sa kaisahan Niya, at paggawa ayon sa Batas Niya. Huwag ka ngang maging kabilang sa mga tagapagtambal na sumasamba kasama kay Allāh sa iba sa Kanya, bagkus maging kabilang ka sa mga naniniwala sa kaisahan Niya, na mga walang sinasamba kundi si Allāh lamang.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَا تَدۡعُ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَۘ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۚ كُلُّ شَيۡءٍ هَالِكٌ إِلَّا وَجۡهَهُۥۚ لَهُ ٱلۡحُكۡمُ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ
Huwag kang sumamba kasama kay Allāh sa isang sinasambang iba pa sa Kanya. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Bawat bagay ay masasawi maliban sa mukha Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Ukol sa Kanya lamang ang paghahatol; humahatol Siya ayon sa anumang niloloob Niya. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• النهي عن إعانة أهل الضلال.
Ang pagsaway sa pagtulong sa mga kampon ng pagkaligaw.

• الأمر بالتمسك بتوحيد الله والبعد عن الشرك به.
Ang pag-uutos sa pangungunyapit sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at paglayo sa pagtatambal (shirk) sa Kanya.

• ابتلاء المؤمنين واختبارهم سُنَّة إلهية.
Ang pagsubok sa mga mananampalataya at ang pagsusulit sa kanila ay isang kalakarang pandiyos.

• غنى الله عن طاعة عبيده.
Ang kawalang-pangangailangan ni Allāh sa pagtalima ng mga alipin Niya.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-Qasas
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara