Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-‘Ankabūt   Ayah:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَنُكَفِّرَنَّ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَحۡسَنَ ٱلَّذِي كَانُواْ يَعۡمَلُونَ
Ang mga sumampalataya, nagtiis sa pagsusulit Namin sa kanila, at gumawa ng mga gawang maayos ay talagang buburahin nga Namin ang mga pagkakasala nila dahil sa ginawa nila na mga gawang maayos at talagang gagantimpalaan nga Namin sila sa Kabilang-buhay ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa sa Mundo.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ حُسۡنٗاۖ وَإِن جَٰهَدَاكَ لِتُشۡرِكَ بِي مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٞ فَلَا تُطِعۡهُمَآۚ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya na magpakabuti siya sa kanilang dalawa at gumawa siya ng maganda sa kanilang dalawa. Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo, O tao, upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil sa pagtatambal sa Akin – gaya ng naganap kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ – malugod si Allāh sa kanya – dahil sa ina niya – ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa kaugnay roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagalikha. Tungo sa Akin lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, saka magpapabatid Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo at gaganti Ako sa inyo roon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَنُدۡخِلَنَّهُمۡ فِي ٱلصَّٰلِحِينَ
Ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos ay talagang magpapapasok nga Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa gitna ng mga maayos sapagkat kakalap Kami sa kanila kasama ng mga iyon at maggagantimpala Kami sa kanila ng gantimpala nila.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَقُولُ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ فَإِذَآ أُوذِيَ فِي ٱللَّهِ جَعَلَ فِتۡنَةَ ٱلنَّاسِ كَعَذَابِ ٱللَّهِۖ وَلَئِن جَآءَ نَصۡرٞ مِّن رَّبِّكَ لَيَقُولُنَّ إِنَّا كُنَّا مَعَكُمۡۚ أَوَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِأَعۡلَمَ بِمَا فِي صُدُورِ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Mayroon sa mga tao na nagsasabi: "Sumampalataya kami kay Allāh," ngunit kapag sinaktan sila ng mga tagatangging sumampalataya dahil sa pananampalataya nila ay nagtuturing sa pagdurusang dulot ng mga iyon sa kanila na gaya ng pagdurusang dulot ni Allāh kaya naman tumatalikod sila sa pananampalataya bilang pagsang-ayon sa mga tagatangging sumampalataya. Talagang kung may nangyaring isang pag-aadya mula sa Panginoon mo para sa iyo, O Sugo, ay talagang magsasabi nga sila: "Tunay na kami noon ay kasama sa inyo, O mga mananampalataya, sa pananampalataya." Hindi ba si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga tao? Hindi nakakukubli sa Kanya ang anumang nasa mga ito na kawalang-pananampalataya at pananampalataya. Kaya papaano silang nagbabalita kay Allāh ng nasa mga puso nila samantalang Siya ay higit na maalam sa anumang nasa mga ito kaysa sa kanila?
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَيَعۡلَمَنَّ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَلَيَعۡلَمَنَّ ٱلۡمُنَٰفِقِينَ
Talagang nakaaalam nga si Allāh sa mga sumampalataya sa Kanya nang totohanan at talagang nakaaalam nga Siya sa mga mapagpaimbabaw na naghahayag ng pananampalataya at nagkikimkim ng kawalang-pananampalataya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّبِعُواْ سَبِيلَنَا وَلۡنَحۡمِلۡ خَطَٰيَٰكُمۡ وَمَا هُم بِحَٰمِلِينَ مِنۡ خَطَٰيَٰهُم مِّن شَيۡءٍۖ إِنَّهُمۡ لَكَٰذِبُونَ
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya kay Allāh lamang: "Sundin ninyo ang relihiyon namin at ang anumang kami ay naroon at pasanin namin mismo ang mga pagkakasala ninyo para gantihan kami dahil sa mga ito sa halip na kayo." Hindi sila mga magpapasan ng anuman mula sa mga pagkakasala ng mga iyon. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa sabi nilang ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَيَحۡمِلُنَّ أَثۡقَالَهُمۡ وَأَثۡقَالٗا مَّعَ أَثۡقَالِهِمۡۖ وَلَيُسۡـَٔلُنَّ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عَمَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ
Talagang magpapasan nga itong mga tagatangging sumampalataya, na mga tagapag-anyaya sa kabulaanan nila, ng mga pagkakasala nila na ginawa nila. Talagang magpapasan nga sila ng mga pagkakasala ng sinumang sumunod sa paanyaya nila nang walang naibabawas na anuman mula sa mga pagkakasala ng mga tagasunod nila. Talagang tatanungin nga sila sa Araw ng Pagbangon tungkol sa anumang dati nilang nililikha-likha sa Mundo na mga kabulaanan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَلَبِثَ فِيهِمۡ أَلۡفَ سَنَةٍ إِلَّا خَمۡسِينَ عَامٗا فَأَخَذَهُمُ ٱلطُّوفَانُ وَهُمۡ ظَٰلِمُونَ
Talaga ngang nagpadala Kami kay Noe bilang sugo sa mga tao niya, kaya namalagi siya sa kanila sa loob ng siyam na raan at limampung taon, habang nag-aanyaya sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit nagpasinungaling sila sa kanya at nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila. Dumaklot sa kanila ang gunaw habang sila ay mga tagalabag sa katarungan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya kaya napahamak sila sa pamamagitan ng pagkalunod.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الأعمال الصالحة يُكَفِّر الله بها الذنوب.
Ang mga gawang maayos ay ipinantatakip-sala ni Allāh sa mga pagkakasala.

• تأكُّد وجوب البر بالأبوين.
Ang pagtitiyak sa pagkatungkulin ng pagpapakabuti sa mga magulang.

• الإيمان بالله يقتضي الصبر على الأذى في سبيله.
Ang pananampalataya kay Allāh ay humihiling ng pagtitiis sa pananakit dahil sa landas Niya.

• من سنَّ سُنَّة سيئة فعليه وزرها ووزر من عمل بها من غير أن ينقص من أوزارهم شيء.
Ang sinumang nagsakalakaran ng isang kalakarang masagwa, sa kanya ang kasalanan dito at ang kasalanan ng mga gumawa ayon dito nang walang nababawas mula sa mga kasalanan nila na anuman.

 
Salin ng mga Kahulugan Surah: Al-‘Ankabūt
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara