Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (48) Surah: Al-‘Ankabūt
وَمَا كُنتَ تَتۡلُواْ مِن قَبۡلِهِۦ مِن كِتَٰبٖ وَلَا تَخُطُّهُۥ بِيَمِينِكَۖ إِذٗا لَّٱرۡتَابَ ٱلۡمُبۡطِلُونَ
Hindi ka dati, O Sugo, bumibigkas bago ng Qur'ān na ito ng anumang aklat at hindi ka dati nagsusulat ng anuman sa pamamagitan ng kanan mo dahil ikaw ay iliterato: hindi nakababasa at hindi nakasusulat. Kung sakaling ikaw ay naging nakababasa at nakasusulat, talaga sanang nagduda ang mga mangmang kabilang sa mga tao sa pagkapropeta mo at nagdahilan sila na ikaw dati ay nagsusulat hango sa mga kasulatang nauna.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• مجادلة أهل الكتاب تكون بالتي هي أحسن.
Ang pakikipagtalo sa mga May Kasulatan ay ayon sa pinakamaganda.

• الإيمان بجميع الرسل والكتب دون تفريق شرط لصحة الإيمان.
Ang pananampalataya sa lahat ng mga sugo at mga kasulatan nang walang pagtatangi-tangi ay isang kundisyon para sa katumpakan ng pananampalataya.

• القرآن الكريم الآية الخالدة والحجة الدائمة على صدق النبي صلى الله عليه وسلم.
Ang Marangal na Qur'ān ay ang tandang walang-hanggan at ang katwirang palagian sa katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (48) Surah: Al-‘Ankabūt
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara