Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (58) Surah: Al-‘Ankabūt
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَنُبَوِّئَنَّهُم مِّنَ ٱلۡجَنَّةِ غُرَفٗا تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ نِعۡمَ أَجۡرُ ٱلۡعَٰمِلِينَ
Ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos na nagpapalapit tungo sa Kanya ay talagang patutuluyin nga sila sa mga [mataas na] silid sa Paraiso habang dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Walang sasapit sa kanila roon na isang pagkalipol. Kay inam bilang ganti sa mga tagagawa ng pagtalima kay Allāh ang ganting ito!
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• استعجال الكافر بالعذاب دليل على حمقه.
Ang pagmamadali ng mga tagatangging sumampalataya ng pagdurusa ay isang patunay sa kahangalan niya.

• باب الهجرة من أجل سلامة الدين مفتوح.
Ang pinto ng paglikas alang-alang sa kaligtasan ng relihiyon ay nakabukas.

• فضل الصبر والتوكل على الله.
Ang kalamangan ng pagtitiis at pananalig kay Allāh.

• الإقرار بالربوبية دون الإقرار بالألوهية لا يحقق لصاحبه النجاة والإيمان.
Ang pagkilala sa pagkapanginoon nang walang pagkilala sa pagkadiyos ay hindi nagsasakatuparan para sa tao ng kaligtasan at pananampalataya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (58) Surah: Al-‘Ankabūt
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara