Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (103) Surah: Āl-‘Imrān
وَٱعۡتَصِمُواْ بِحَبۡلِ ٱللَّهِ جَمِيعٗا وَلَا تَفَرَّقُواْۚ وَٱذۡكُرُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ كُنتُمۡ أَعۡدَآءٗ فَأَلَّفَ بَيۡنَ قُلُوبِكُمۡ فَأَصۡبَحۡتُم بِنِعۡمَتِهِۦٓ إِخۡوَٰنٗا وَكُنتُمۡ عَلَىٰ شَفَا حُفۡرَةٖ مِّنَ ٱلنَّارِ فَأَنقَذَكُم مِّنۡهَاۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ ٱللَّهُ لَكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ لَعَلَّكُمۡ تَهۡتَدُونَ
Humawak kayo, O mga mananampalataya, sa Qur'ān at Sunnah at huwag kayong gumawa ng magsasadlak sa inyo sa pagkakahati-hati. Alalahanin ninyo ang pagbiyaya ni Allāh sa inyo. Nang kayo dati ay magkakaaway bago ng Islām, na mga nag-aawayan dahil sa pinakakaunti sa mga dahilan, ay nagbuklod Siya sa mga puso ninyo sa pamamagitan ng Islām kaya kayo dahil sa kabutihang-loob Niya ay naging magkakapatid sa relihiyon, na mga nag-aawaan, na mga nagpapayuhan. Kayo dati bago niyon ay mga nalalapit sa pagpasok sa Apoy dahil sa kawalang-pananampalataya ninyo ngunit nagligtas sa inyo si Allāh mula roon sa pamamagitan ng Islām at nagpatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya. Kung paanong naglinaw para sa inyo si Allāh nito, naglilinaw Siya para sa inyo ng makabubuti sa mga kalagayan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay upang mapatnubayan kayo tungo sa daan ng pagkagabay at tumahak kayo sa landas ng pagpapakatuwid.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• متابعة أهل الكتاب في أهوائهم تقود إلى الضلال والبعد عن دين الله تعالى.
Ang pagsunod ng mga May Kasulatan sa mga pithaya nila ay umaakay sa pagkaligaw at pagkakalayo sa relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• الاعتصام بالكتاب والسُّنَّة والاستمساك بهديهما أعظم وسيلة للثبات على الحق، والعصمة من الضلال والافتراق.
Ang pangungunyapit sa Qur'ān at Sunnah at ang paghawak sa patnubay ng dalawang ito ay pinakasukdulang kaparaanan sa pagpapakatatag sa katotohanan at pagkakapangalaga sa pagkaligaw at pagkakahati-hati.

• الافتراق والاختلاف الواقع في هذه الأمة في قضايا الاعتقاد فيه مشابهة لمن سبق من أهل الكتاب.
Ang pagkakahati-hati at ang pagkakaiba-ibang nagaganap sa Kalipunang ito sa mga usapin ng paniniwala ay may pagwawangis sa naunang kabilang sa mga May Kasulatan.

• وجوب الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر؛ لأن به فلاح الأمة وسبب تميزها.
Ang pagkatungkulin ng pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama dahil sa pamamagitan nito ang tagumpay ng Kalipunang Islām at dahilan ng pagkakatangi nito.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (103) Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara