Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (111) Surah: Āl-‘Imrān
لَن يَضُرُّوكُمۡ إِلَّآ أَذٗىۖ وَإِن يُقَٰتِلُوكُمۡ يُوَلُّوكُمُ ٱلۡأَدۡبَارَ ثُمَّ لَا يُنصَرُونَ
Anuman ang nangyaring pangangaway mula sa kanila ay hindi sila makapipinsala sa inyo, O mga mananampalataya, sa Relihiyon ninyo ni sa mga sarili ninyo maliban ng isang pananakit sa pamamagitan ng mga dila nila gaya ng paninirang-puri sa relihiyon, panunuya sa inyo, at tulad niyon. Kung kumalaban sila sa inyo ay tatakas sila na mga talunan sa harapan ninyo at hindi sila iaadya laban sa inyo magpakailanman.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• أعظم ما يميز هذه الأمة وبه كانت خيريتها - بعد الإيمان بالله - الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر.
Ang pinakadakila sa ikinatatampok ng Kalipunang ito at sa pamamagitan nito ang pagkamabuti nito, matapos ng pananampalataya kay Allāh, ay ang pag-uutos sa nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama.

• قضى الله تعالى بالذل على أهل الكتاب لفسقهم وإعراضهم عن دين الله، وعدم وفائهم بما أُخذ عليهم من العهد.
Nagtadhana si Allāh – pagkataas-taas Siya – ng pagkahamak sa mga May Kasulatan dahil sa kasuwailan nila, pag-ayaw nila sa Relihiyon Niya, at hindi nila pagtupad sa tinanggap Niya sa kanila na tipan.

• أهل الكتاب ليسوا على حال واحدة؛ فمنهم القائم بأمر الله، المتبع لدينه، الواقف عند حدوده، وهؤلاء لهم أعظم الأجر والثواب. وهذا قبل بعثة النبي محمد صلى الله عليه وسلم.
Ang mga May Kasulatan ay hindi nasa iisang kalagayan sapagkat mayroon sa kanilang nagsasagawa sa utos ni Allāh, sumusunod sa Relihiyon Niya, at tumitigil sa mga hangganan Niya. Ang mga ito ay magkakamit ng pinakadakilang pabuya at gantimpala. Ito ay bago ng pagpapadala kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (111) Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara