Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (168) Surah: Āl-‘Imrān
ٱلَّذِينَ قَالُواْ لِإِخۡوَٰنِهِمۡ وَقَعَدُواْ لَوۡ أَطَاعُونَا مَا قُتِلُواْۗ قُلۡ فَٱدۡرَءُواْ عَنۡ أَنفُسِكُمُ ٱلۡمَوۡتَ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ
[Sila] ang mga nagpaiwan sa pakikipaglaban at nagsabi sa mga kaanak nila na nasalanta sa Araw ng Uḥud: "Kung sakaling sila ay tumalima sa amin at hindi sila pumunta sa pakikipaglaban ay hindi sana sila napatay." Sabihin mo, O Propeta bilang tugon sa kanila: "Kaya itulak ninyo palayo sa mga sarili ninyo ang kamatayan kapag bumaba sa inyo, kung kayo ay mga tapat sa pinagsasabi ninyo na sila raw, kung sakaling tumalima sa inyo, ay hindi sana napatay at na ang dahilan ng pagkaligtas ninyo mula sa kamatayan ay ang pananatili palayo sa pakikibaka sa landas ni Allāh."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• من سنن الله تعالى أن يبتلي عباده؛ ليتميز المؤمن الحق من المنافق، وليعلم الصادق من الكاذب.
Bahagi ng mga kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na sumubok sa mga lingkod Niya upang mapagkilanlan ang totoong mananampalataya sa mapagpaimbabaw at upang malaman ang tapat sa sinungaling.

• عظم منزلة الجهاد والشهادة في سبيل الله وثواب أهله عند الله تعالى حيث ينزلهم الله تعالى بأعلى المنازل.
Ang kadakilaan ng kalagayan ng pakikibaka at pagkamartir sa landas ni Allāh at ang gantimpala ng mga nakagawa nito sa ganang kay Allāh – pagkataas-taas Siya – yayamang magpapatuloy sa kanila si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pinakamataas na mga tuluyan.

• فضل الصحابة وبيان علو منزلتهم في الدنيا والآخرة؛ لما بذلوه من أنفسهم وأموالهم في سبيل الله تعالى.
Ang kalamangan ng mga Kasamahan at ang paglilinaw sa kataasan ng kalagayan nila sa Mundo at Kabilang-buhay dahil nagkaloob sila ng mga sarili nila at mga yaman nila sa landas ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (168) Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara