Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (200) Surah: Āl-‘Imrān
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱصۡبِرُواْ وَصَابِرُواْ وَرَابِطُواْ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ لَعَلَّكُمۡ تُفۡلِحُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, magtiis kayo sa mga obligasyon sa Batas ng Islām at sa dumarating sa inyo na mga kasawian sa Mundo, dumaig kayo sa mga tagatangging sumampalataya sa pagtitiis para sila ay hindi maging higit na matindi sa pagtitiis kaysa sa inyo, manatili kayo sa pakikibaka sa landas ni Allāh, at mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, nang sa gayon kayo ay magkamit ng hinihiling ninyo sa pamamagitan ng kaligtasan mula sa Apoy at ng pagpasok sa Hardin.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الأذى الذي ينال المؤمن في سبيل الله فيضطره إلى الهجرة والخروج والجهاد من أعظم أسباب تكفير الذنوب ومضاعفة الأجور.
Ang pananakit na natatamo ng mananampalataya sa landas ni Allāh kaya napipilitan siyang lumikas, umalis, at makibaka ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng pagtatakip-sala sa mga pagkakasala at pag-iibayo sa mga pabuya.

• ليست العبرة بما قد ينعم به الكافر في الدنيا من المال والمتاع وإن عظم؛ لأن الدنيا زائلة، وإنما العبرة بحقيقة مصيره في الآخرة في دار الخلود.
Ang pagsasaalang-alang ay hindi sa anumang maaaring tinatamasa ng tagatangging sumampalataya sa Mundo na kayamanan at kasiyahan, kahit pa malaki ito, dahil ang Mundo ay maglalaho. Ang pagsasaalang-alang ay nasa reyalidad ng kahahantungan niya sa Kabilang-buhay sa Tahanan ng Pananatili.

• من أهل الكتاب من يشهدون بالحق الذي في كتبهم، فيؤمنون بما أنزل إليهم وبما أنزل على المؤمنين، فهؤلاء لهم أجرهم مرتين.
Mayroon sa mga May Kasulatan na mga sumasaksi sa katotohanang nasa mga kasulatan nila kaya sumasampalataya sila sa pinababa sa kanila at sa pinababa sa mga mananampalataya. Ang mga ito, ukol sa kanila ang pabuya sa kanila nang dalawang ulit.

• الصبر على الحق، ومغالبة المكذبين به، والجهاد في سبيله، هو سبيل الفلاح في الآخرة.
Ang pagtitiis sa katotohanan, ang pagdaig sa mga tagapagpasinungaling dito, at ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay landas ng tagumpay sa Kabilang-buhay.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (200) Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara