Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (38) Surah: Āl-‘Imrān
هُنَالِكَ دَعَا زَكَرِيَّا رَبَّهُۥۖ قَالَ رَبِّ هَبۡ لِي مِن لَّدُنكَ ذُرِّيَّةٗ طَيِّبَةًۖ إِنَّكَ سَمِيعُ ٱلدُّعَآءِ
Sa sandaling iyon na nakakita si Zacarias ng panustos ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kay Maria na anak ni `Imrān sa hindi nakagawian sa mga kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagtutustos, umasa siya na magkaloob sa kanya si Allāh ng isang anak sa kabila ng kalagayang siya ay nakasadlak na katandaan ng edad niya at pagkabaog ng maybahay niya. Kaya nagsabi siya: "O Panginoon ko, magkaloob Ka sa akin ng isang anak na kaaya-aya; tunay na Ikaw ay Madinigin sa panalangin ng sinumang dumalangin sa Iyo, sumasagot sa kanya."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• عناية الله تعالى بأوليائه، فإنه سبحانه يجنبهم السوء، ويستجيب دعاءهم.
Ang pagmamalasakit ni Allāh sa mga katangkilik Niya sapagkat tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpapaiwas sa kanila sa kasagwaan at tumutugon sa panalangin nila.

• فَضْل مريم عليها السلام حيث اختارها الله على نساء العالمين، وطهَّرها من النقائص، وجعلها مباركة.
Ang kalamangan ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – yayamang pinili siya ni Allāh higit sa mga babae ng mga nilalang, dinalisay siya mula sa mga kapintasan, at ginawa siyang pinagpapala.

• كلما عظمت نعمة الله على العبد عَظُم ما يجب عليه من شكره عليها بالقنوت والركوع والسجود وسائر العبادات.
Sa tuwing lumalaki ang biyaya ni Allāh sa tao, lumalaki ang kinakailangan sa kanya na pagpapasalamat niya dahil dito sa pamamagitan ng panalangin, pagyukod, pagpapatirapa, at iba pang mga pagsamba.

• مشروعية القُرْعة عند الاختلاف فيما لا بَيِّنة عليه ولا قرينة تشير إليه.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpapalabunutan sa sandali ng pagkakaiba-iba hinggil sa anumang walang malinaw na patunay roon at walang ebidensiyang nagpapahiwatig.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (38) Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara