Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (58) Surah: Āl-‘Imrān
ذَٰلِكَ نَتۡلُوهُ عَلَيۡكَ مِنَ ٱلۡأٓيَٰتِ وَٱلذِّكۡرِ ٱلۡحَكِيمِ
Ang binibigkas Naming iyon sa iyo mula sa ulat ka kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay kabilang sa mga palatandaang maliwanag na nagpapatunay sa katumpakan ng pinababa sa iyo. Ito ay isang paalaala para sa mga tagapangilag magkasala, na isang tahasang nauunawaan na hindi nadadatnan ng kabulaanan.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• من كمال قدرته تعالى أنه يعاقب من يمكر بدينه وبأوليائه، فيمكر بهم كما يمكرون.
Bahagi ng kalubusan ng kapangyarihan Niya – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nagpaparusa sa sinumang nagpapakana sa Relihiyon Niya at mga katangkilik Niya, kaya nagpapakana Siya sa kanila kung paanong nagpapakana sila.

• بيان المعتقد الصحيح الواجب في شأن عيسى عليه السلام، وبيان موافقته للعقل فهو ليس بدعًا في الخلقة، فآدم المخلوق من غير أب ولا أم أشد غرابة والجميع يؤمن ببشريته.
Ang paglilinaw sa pinaniniwalaang tumpak na kinakailangan kaugnay sa lagay ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ang paglilinaw ng pagsang-ayon nito sa isip sapagkat siya ay hindi isang kauna-unahan sa pagkakalikha sapagkat si Adan, ang nilikhang walang ama ni ina, ay higit na matindi sa pagiging kataka-taka at ang lahat ay naniniwala sa pagkatao niya.

• مشروعية المُباهلة بين المتنازعين على الصفة التي وردت بها الآية الكريمة.
Ang pagkaisinasabatas ng pagdalangin ng paghiling ng sumpa ni Allāh sa pagitan ng mga nag-aalitan ayon sa katangiang isinaad ng marangal na talata ng Qur'ān.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (58) Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara