Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (70) Surah: Āl-‘Imrān
يَٰٓأَهۡلَ ٱلۡكِتَٰبِ لِمَ تَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَأَنتُمۡ تَشۡهَدُونَ
O mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, bakit kayo tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na pinababa sa inyo at sa nasaad sa mga ito na pahiwatig sa pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – samantalang kayo ay sumasaksi na ito ay ang katotohanan na ipinahiwatig ng mga kasulatan ninyo?
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• أن الرسالات الإلهية كلها اتفقت على كلمة عدل واحدة، وهي: توحيد الله تعالى والنهي عن الشرك.
Na ang mga pasugong makadiyos sa kabuuan ng mga ito ay nagkakaisa sa iisang salita ng katarungan: ang paniniwala sa kaisahan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagsaway sa pagtatambal sa Kanya.

• أهمية العلم بالتاريخ؛ لأنه قد يكون من الحجج القوية التي تُرَدُّ بها دعوى المبطلين.
Ang kahalagahan ng kaalaman sa kasaysayan dahil ito ay maaaring maging kabilang sa mga katwirang malakas na maipantutugon sa mga pinagsasabi ng mga tagapagpabula.

• أحق الناس بإبراهيم عليه السلام من كان على ملته وعقيدته، وأما مجرد دعوى الانتساب إليه مع مخالفته فلا تنفع.
Ang pinakakarapat-dapat sa mga tao kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay ang sinumang nasa sinasaligan niya at pinaniniwalaan niya. Tungkol naman sa payak na pag-aangkin ng pagkakaugnay sa kanya kalakip ng pagsalungat sa kanya, hindi ito nagpapakinabang.

• دَلَّتِ الآيات على حرص كفرة أهل الكتاب على إضلال المؤمنين من هذه الأمة حسدًا من عند أنفسهم.
Nagpatunay ang mga talata sa sigasig ng mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan sa pagpapaligaw sa mga mananampalataya kabilang sa Kalipunang Islām na ito dala ng isang pagkainggit mula sa ganang sarili nila.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (70) Surah: Āl-‘Imrān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara