Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (16) Surah: Luqmān
يَٰبُنَيَّ إِنَّهَآ إِن تَكُ مِثۡقَالَ حَبَّةٖ مِّنۡ خَرۡدَلٖ فَتَكُن فِي صَخۡرَةٍ أَوۡ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَوۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَأۡتِ بِهَا ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٞ
[Nagsabi si Luqmān]: "O anak ko, tunay na ang masagwang gawa o ang magandang gawa, naging gaano man kaliit ito tulad ng bigat ng isang buto ng mustasa at naging nasa ilalim ng isang bato na walang nakababatid doon na isa man o naging nasa alinmang pook sa mga langit o sa lupa, tunay na si Allāh ay maglalahad nito sa Araw ng Pagbangon saka gaganti sa tao dahil doon. Tunay na si Allāh ay Mapagtalos: walang nakakukubli sa Kanya na mga kaliit-liitan ng mga bagay, Mapagbatid sa mga reyalidad ng mga ito at kinalalagyan ng mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• لما فصَّل سبحانه ما يصيب الأم من جهد الحمل والوضع دلّ على مزيد برّها.
Yayamang nagdetalye Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa dinaranas ng ina na pasakit ng pagdadalang-tao at pagsisilang, nagpatunay ito sa pagdaragdag sa pagpapakabuti sa kanya.

• نفع الطاعة وضرر المعصية عائد على العبد.
Ang pakinabang sa pagtalima at ang pinsala sa pagsuway ay nanunumbalik sa tao.

• وجوب تعاهد الأبناء بالتربية والتعليم.
Ang pagkatungkulin ng pagkandili sa mga anak sa pamamagitan ng edukasyon at pagtuturo.

• شمول الآداب في الإسلام للسلوك الفردي والجماعي.
Ang kasaklawan ng mga kaasalan sa Islām para sa pag-uugaling pang-individuwal at panlipunan.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (16) Surah: Luqmān
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara