Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (22) Surah: As-Sajdah
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ ثُمَّ أَعۡرَضَ عَنۡهَآۚ إِنَّا مِنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُنتَقِمُونَ
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinangaralan sa pamamagitan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit hindi siya napangaralan at umayaw siya sa mga ito nang hindi pumapansin sa mga ito. Tunay na Kami, sa mga salarin – dahil sa paggawa ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway – na mga umaayaw sa mga tanda Namin, ay maghihiganti nang walang pasubali.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• عذاب الكافر في الدنيا وسيلة لتوبته.
Ang pagdurusa ng mga tagatangging sumampalataya sa Mundo ay isang kaparaanan para sa pagbabalik-loob niya.

• ثبوت اللقاء بين نبينا صلى الله عليه وسلم وموسى عليه السلام ليلة الإسراء والمعراج.
Ang pagpapatibay sa pagkikita sa pagitan ng Propeta natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa gabi ng panggabing paglalakbay at pagpanik sa langit.

• الصبر واليقين صفتا أهل الإمامة في الدين.
Ang pagtitiis at ang katiyakan ay dalawang katangian ng mga may pamumuno sa relihiyon.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (22) Surah: As-Sajdah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara