Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (26) Surah: As-Sajdah
أَوَلَمۡ يَهۡدِ لَهُمۡ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ يَمۡشُونَ فِي مَسَٰكِنِهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٍۚ أَفَلَا يَسۡمَعُونَ
Nabulagan ba ang mga ito kaya hindi luminaw para sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin, bago pa nila, mula sa mga kalipunang nauna? Heto sila, naglalakad sa mga tirahan nila na sila noon ay nakatira sa mga ito bago ng pagpapahamak sa kanila ngunit hindi sila napangaralan ayon sa kalagayan nila. Tunay na sa nangyari sa mga kalipunang iyon na pagpapahamak dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila ay talagang may mga maisasaalang-alang, na maipampapatunay sa katapatan ng mga sugo nila na dumating sa kanila mula sa ganang kay Allāh. Kaya hindi ba dumidinig ang mga tagapagpasinungaling na ito sa mga tanda ni Allāh ayon sa pagdinig ng pagtanggap at pagkapangaral?
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• عذاب الكافر في الدنيا وسيلة لتوبته.
Ang pagdurusa ng mga tagatangging sumampalataya sa Mundo ay isang kaparaanan para sa pagbabalik-loob niya.

• ثبوت اللقاء بين نبينا صلى الله عليه وسلم وموسى عليه السلام ليلة الإسراء والمعراج.
Ang pagpapatibay sa pagkikita sa pagitan ng Propeta natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ni Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa gabi ng panggabing paglalakbay at pagpanik sa langit.

• الصبر واليقين صفتا أهل الإمامة في الدين.
Ang pagtitiis at ang katiyakan ay dalawang katangian ng mga may pamumuno sa relihiyon.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (26) Surah: As-Sajdah
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara