Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (37) Surah: Al-Ahzāb
وَإِذۡ تَقُولُ لِلَّذِيٓ أَنۡعَمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ وَأَنۡعَمۡتَ عَلَيۡهِ أَمۡسِكۡ عَلَيۡكَ زَوۡجَكَ وَٱتَّقِ ٱللَّهَ وَتُخۡفِي فِي نَفۡسِكَ مَا ٱللَّهُ مُبۡدِيهِ وَتَخۡشَى ٱلنَّاسَ وَٱللَّهُ أَحَقُّ أَن تَخۡشَىٰهُۖ فَلَمَّا قَضَىٰ زَيۡدٞ مِّنۡهَا وَطَرٗا زَوَّجۡنَٰكَهَا لِكَيۡ لَا يَكُونَ عَلَى ٱلۡمُؤۡمِنِينَ حَرَجٞ فِيٓ أَزۡوَٰجِ أَدۡعِيَآئِهِمۡ إِذَا قَضَوۡاْ مِنۡهُنَّ وَطَرٗاۚ وَكَانَ أَمۡرُ ٱللَّهِ مَفۡعُولٗا
[Banggitin] noong nagsasabi ka, O Sugo, sa biniyayaan ni Allāh ng biyaya ng Islām at biniyayaan mo mismo ng pagpapalaya – ang tinutukoy ay si Zayd bin Ḥārithah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa – nang dumating siya sa iyo na sumasangguni hinggil sa pumapatungkol pagdidiborsiyo sa maybahay niyang si Zaynab bint Jaḥsh. Nagsasabi ka sa kanya: "Panatilihin mo sa iyo ang maybahay mo, huwag mo siyang diborsiyuhin, at mangilag kang magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya," samantalang naglilihim ka sa sarili mo ng ikinasi ni Allāh sa iyo na pagpapakasal kay Zaynab, dala ng takot sa mga tao. Si Allāh ay maglalantad sa pagdiborsiyo ni Zayd kay Zaynab, pagkatapos sa pagpapakasal mo sa kanya. Si Allāh ay higit na marapat na katakutan mo kaugnay sa bagay na ito. Kaya noong lumuwag ang loob ni Zayd, umayaw siya rito, at nagdiborsiyo siya rito, ipinakasal ito sa iyo ni Allāh upang hindi magkaroon para sa mga mananampalataya ng isang kasalanan sa pag-aasawa sa mga maybahay ng mga anak nila sa pag-aampon kapag nagdiborsiyo ang mga ito sa mga iyon at natapos ang `iddah ng mga iyon. Laging ang utos ni Allāh ay nagagawa: walang pipigil dito at walang hahadlang dito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• وجوب استسلام المؤمن لحكم الله والانقياد له.
Ang pagkatungkulin ng pagsuko ng mananampalataya sa kahatulan ni Allāh at ang pagpapaakay sa Kanya.

• اطلاع الله على ما في النفوس.
Ang pagkabatid ni Allāh sa anumang nasa mga kaluluwa.

• من مناقب أم المؤمنين زينب بنت جحش: أنْ زوّجها الله من فوق سبع سماوات.
Kabilang sa mga tampok na katangian ng ina ng mga mananampalataya na si Zaynab bint Jaḥsh ay na ipinakasal siya ni Allāh mula sa ibabaw ng pitong langit.

• فضل ذكر الله، خاصة وقت الصباح والمساء.
Ang kalamangan ng pag-alaala kay Allāh, lalo na sa oras ng umaga at gabi.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (37) Surah: Al-Ahzāb
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara