Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (2) Surah: Saba’
يَعۡلَمُ مَا يَلِجُ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا يَخۡرُجُ مِنۡهَا وَمَا يَنزِلُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا يَعۡرُجُ فِيهَاۚ وَهُوَ ٱلرَّحِيمُ ٱلۡغَفُورُ
Nakaaalam Siya sa anumang pumapasok sa lupa na tubig at halaman; nakaaalam Siya sa anumang lumalabas mula rito na halaman at iba pa; nakaaalam Siya sa anumang bumababa mula sa langit na ulan, mga anghel, at mga panustos; at nakaaalam Siya sa anumang umaakyat sa langit na mga anghel, mga gawain ng mga lingkod Niya, at mga kaluluwa nila. Siya ay ang Maawain sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• سعة علم الله سبحانه المحيط بكل شيء.
Ang lawak ng kaalaman ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na sumasaklaw sa bawat bagay.

• فضل أهل العلم.
Ang kalamangan ng mga may kaalaman.

• إنكار المشركين لبعث الأجساد تَنَكُّر لقدرة الله الذي خلقهم.
Ang pagtutol ng mga tagapagtambal sa pagkabuhay na muli ng mga katawan ay isang pagkakaila sa kakayahan ni Allāh na lumikha sa kanila.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (2) Surah: Saba’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara