Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (21) Surah: Saba’
وَمَا كَانَ لَهُۥ عَلَيۡهِم مِّن سُلۡطَٰنٍ إِلَّا لِنَعۡلَمَ مَن يُؤۡمِنُ بِٱلۡأٓخِرَةِ مِمَّنۡ هُوَ مِنۡهَا فِي شَكّٖۗ وَرَبُّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَفِيظٞ
Hindi nagkaroon si Satanas sa kanila ng anumang kapamahalaang ipanlulupig niya sa kanila para maligaw sila. Siya lamang noon ay nang-aakit sa kanila at nagpapalisya sa kanila, ngunit Kami ay nagpahintulot sa kanya sa pagpapalisya sa kanila upang malantad ang lagay ng sinumang sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon na ganti, mula sa sinumang hinggil sa Kabilang-buhay ay nasa isang pagdududa. Ang Panginoon mo, O Sugo, sa bawat bagay ay Mapag-ingat, na nag-iingat sa mga gawain ng mga lingkod Niya at gaganti sa kanila sa mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الشكر يحفظ النعم، والجحود يسبب سلبها.
Ang pagpapasalamat ay nangangalaga sa mga biyaya at ang pagkakaila ay nagdadahilan ng pag-aalis sa mga ito.

• الأمن من أعظم النعم التي يمتنّ الله بها على العباد.
Ang katiwasayan ay kabilang sa pinakasukdulan sa mga biyaya na ipinagmagandang-loob ni Allāh sa mga tao.

• الإيمان الصحيح يعصم من اتباع إغواء الشيطان بإذن الله.
Ang tumpak na pananampalataya ay nagsasanggalang laban sa pagsunod sa pagpapalisya ng demonyo ayon sa pahintulot ni Allāh.

• ظهور إبطال أسباب الشرك ومداخله كالزعم بأن للأصنام مُلْكًا أو مشاركة لله، أو إعانة أو شفاعة عند الله.
Ang paglitaw ng pagpapawalang-saysay sa mga kadahilanan ng shirk at mga pasukan nito gaya ng pag-aangkin na ang mga anito ay may paghahari o pakikihati kay Allāh o pagtulong o pamamagitan sa harap ni Allāh.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (21) Surah: Saba’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara