Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (52) Surah: Saba’
وَقَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِهِۦ وَأَنَّىٰ لَهُمُ ٱلتَّنَاوُشُ مِن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ
Magsasabi sila kapag nakita nila ang kahahantungan nila: "Sumampalataya kami sa Araw ng Pagbangon." Paanong ukol sa kanila ang pagkamit ng pananampalataya at pag-abot dito samantalang nalayo na sa kanila ang pook ng pagtanggap ng pananampalataya dahil sa paglabas nila mula sa tahanan sa Mundo, na ito ang tahanan ng paggawa hindi ng pagganti, tungo sa tahanan sa Kabilang-buhay, na iyon ang tahanan ng pagganti hindi ng paggawa?
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• مشهد فزع الكفار يوم القيامة مشهد عظيم.
Ang tanawin ng hilakbot ng mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon ay isang tanawing sukdulan.

• محل نفع الإيمان في الدنيا؛ لأنها هي دار العمل.
Ang lugar ng pakikinabang sa pananampalataya ay sa Mundo dahil ito ang tahanan ng paggawa.

• عظم خلق الملائكة يدل على عظمة خالقهم سبحانه.
Ang kadakilaan ng pagkalikha sa mga anghel ay nagpapatunay sa kadakilaan ng Tagalikha nila – kaluwalhatian sa Kanya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (52) Surah: Saba’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara