Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (7) Surah: Saba’
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ هَلۡ نَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ رَجُلٖ يُنَبِّئُكُمۡ إِذَا مُزِّقۡتُمۡ كُلَّ مُمَزَّقٍ إِنَّكُمۡ لَفِي خَلۡقٖ جَدِيدٍ
Nagsabi naman ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh sa iba sa kanila dala ng pagtataka at pangungutya sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Magtuturo kaya kami sa inyo sa isang lalaking magpapabatid sa inyo na kayo, kapag namatay kayo at nagkaputul-putol kayo sa isang pagkakaputul-putol, ay bubuhaying muli matapos ng kamatayan ninyo para maging buhay?"
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• سعة علم الله سبحانه المحيط بكل شيء.
Ang lawak ng kaalaman ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na sumasaklaw sa bawat bagay.

• فضل أهل العلم.
Ang kalamangan ng mga may kaalaman.

• إنكار المشركين لبعث الأجساد تَنَكُّر لقدرة الله الذي خلقهم.
Ang pagtutol ng mga tagapagtambal sa pagkabuhay na muli ng mga katawan ay isang pagkakaila sa kakayahan ni Allāh na lumikha sa kanila.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (7) Surah: Saba’
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara