Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (25) Surah: Fātir
وَإِن يُكَذِّبُوكَ فَقَدۡ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡ جَآءَتۡهُمۡ رُسُلُهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ وَبِٱلزُّبُرِ وَبِٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُنِيرِ
Kung nagpapasinungaling sa iyo ang mga kalipi mo, O Sugo, ay magtiis ka sapagkat ikaw ay hindi unang sugong pinasinungalingan ng mga kalipi nito sapagkat nagpasinungaling nga ang mga kalipunang nauna sa mga sugo sa kanilang ito tulad ng [mga liping] `Ād at Thamūd at mga kababayan ni Lot. Naghatid sa kanila ang mga sugo sa kanila mula sa ganang kay Allāh ng mga katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan nila. Naghatid sa kanila ang mga sugo sa kanila ng mga kalatas at ng kasulatang nagbibigay-liwanag para sa sinumang nagbubulay-bulay rito at nagninilay-nilay rito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• نفي التساوي بين الحق وأهله من جهة، والباطل وأهله من جهة أخرى.
Ang pagkakaila sa pagpapantayan sa pagitan ng katotohanan at mga alagad nito sa isang dako at ng kabulaanan at mga alagad nito sa kabilang dako.

• كثرة عدد الرسل عليهم السلام قبل رسولنا صلى الله عليه وسلم دليل على رحمة الله وعناد الخلق.
Ang dami ng bilang ng mga sugo – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – bago ng Sugo natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay patunay sa awa ni Allāh at pagmamatigas ng nilikha.

• إهلاك المكذبين سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga tagapasinungaling ay isang kalakaran (sunnah) na pandiyos.

• صفات الإيمان تجارة رابحة، وصفات الكفر تجارة خاسرة.
Ang mga katangian ng pananampalataya ay [gaya ng] isang pangangalakal na tumutubo at ang mga katangian ng kawalang-pananampalataya ay [gaya ng] pangangalakal na nalulugi.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (25) Surah: Fātir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara