Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (32) Surah: Fātir
ثُمَّ أَوۡرَثۡنَا ٱلۡكِتَٰبَ ٱلَّذِينَ ٱصۡطَفَيۡنَا مِنۡ عِبَادِنَاۖ فَمِنۡهُمۡ ظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ وَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدٞ وَمِنۡهُمۡ سَابِقُۢ بِٱلۡخَيۡرَٰتِ بِإِذۡنِ ٱللَّهِۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡكَبِيرُ
Pagkatapos ibinigay Namin ang Qur'ān sa kalipunan ni Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – na pinili Namin higit sa mga kalipunan. Ngunit mayroon sa kanila na tagalabag sa katarungan sa sarili niya dahil sa paggawa sa mga ipinagbabawal at pag-iwan sa mga tungkulin. Mayroon sa kanila na katamtaman dahil sa paggawa sa mga tungkulin at pag-iwan sa mga ipinagbabawal kalakip ng pag-iwan sa ilan sa mga kaibig-ibig at paggawa ng ilan sa mga kinasusuklaman. Mayroon sa kanila na nangunguna sa mga kabutihan ayon sa pahintulot ni Allāh. Iyon ay dahil sa paggawa ng mga tungkulin at mga kaibig-ibig at pag-iwan sa mga ipinagbabawal at mga kinasusuklaman. Ang nabanggit na iyon – na pagpili sa kalipunang ito at pagbibigay rito ng Qur'ān – ay ang kabutihang-loob na malaki, na walang nakatutumbas dito na isang kabutihang-loob.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• فضل أمة محمد صلى الله عليه وسلم على سائر الأمم.
Ang kalamangan ng kalipunan ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa nalalabi sa mga kalipunan.

• تفاوت إيمان المؤمنين يعني تفاوت منزلتهم في الدنيا والآخرة.
Ang pagkakaibahan [ng antas] ng pananampalataya ng mga mananampalataya ay nangangahulugan ng pagkakaibahan ng antas nila sa Mundo at Kabilang-buhay.

• الوقت أمانة يجب حفظها، فمن ضيعها ندم حين لا ينفع الندم.
Ang oras ay ipinagkatiwala na kinakailangan ang pangangalaga rito. Kaya ang sinumang nagsayang nito ay magsisisi kapag hindi na magpapakinabang ang pagsisisi.

• إحاطة علم الله بكل شيء.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa bawat bagay.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (32) Surah: Fātir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara