Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (8) Surah: Fātir
أَفَمَن زُيِّنَ لَهُۥ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ فَرَءَاهُ حَسَنٗاۖ فَإِنَّ ٱللَّهَ يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِي مَن يَشَآءُۖ فَلَا تَذۡهَبۡ نَفۡسُكَ عَلَيۡهِمۡ حَسَرَٰتٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا يَصۡنَعُونَ
Tunay na ang pinaganda sa kanya ng demonyo ang gawain niyang masagwa, kaya naniwala siya na ito ay maganda, ay hindi gaya ng sinumang ipinang-akit sa kanya ni Allāh ang totoo, kaya naniniwala siya na ito ay totoo, sapagkat tunay na si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Walang nakapipilit sa Kanya, kaya huwag kang magpahamak, O Sugo, ng sarili mo sa lungkot sa pagkaligaw ng mga naliligaw. Tunay na si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay Maalam sa anumang niyayari nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawa nila na anuman.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• تسلية الرسول صلى الله عليه وسلم بذكر أخبار الرسل مع أقوامهم.
Ang pagpapalubag-loob sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga ulat tungkol sa mga sugo kasama ng mga tao nila.

• الاغترار بالدنيا سبب الإعراض عن الحق.
Ang pagkalinlang dahil sa Mundo ay isang kadahilanan ng pag-ayaw sa katotohanan.

• اتخاذ الشيطان عدوًّا باتخاذ الأسباب المعينة على التحرز منه؛ من ذكر الله، وتلاوة القرآن، وفعل الطاعة، وترك المعاصي.
Ang pagturing sa demonyo bilang kaaway ay sa pamamagitan ng paggawa sa mga kadahilanang nakatutulong sa pag-iingat laban sa kanya gaya ng pag-alaala kay Allāh, pagbigkas ng Qur'ān, paggawa ng pagtalima, at pag-iwan sa mga pagsuway.

• ثبوت صفة العلو لله تعالى.
Ang pagpapatibay sa katangian ng kataasan para kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (8) Surah: Fātir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara