Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (31) Surah: Yā-Sīn
أَلَمۡ يَرَوۡاْ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ أَنَّهُمۡ إِلَيۡهِمۡ لَا يَرۡجِعُونَ
Hindi ba nagsaalang-alang ang mga tagapagpasinungaling na nangungutyang ito sa mga sugo ng isang aral hinggil sa mga nauna sa kanila na mga kalipunan? Namatay na ang mga iyon at hindi babalik sa Mundo sa ikalawang pagkakataon. Bagkus magtatamo ang mga iyon ng ipinauna ng mga iyon na mga gawa at gaganti si Allāh sa kanila sa mga ito.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• ما أهون الخلق على الله إذا عصوه، وما أكرمهم عليه إن أطاعوه.
Anong hamak ng mga nilikha kay Allāh kapag sumuway sila sa Kanya at anong dangal nila sa Kanya kung tumalima sila sa Kanya.

• من الأدلة على البعث إحياء الأرض الهامدة بالنبات الأخضر، وإخراج الحَبِّ منه.
Kabilang sa mga patunay sa pagkabuhay na muli ay ang pagbibigay-buhay sa lupang napagkaitan ng halamang luntian at ang pagpapalabas ng mga butil mula rito.

• من أدلة التوحيد: خلق المخلوقات في السماء والأرض وتسييرها بقدر.
Kabilang sa mga patunay ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh ang paglikha sa mga nilikha sa mga langit at lupa at pagpapagalaw sa mga ito ayon sa sukat.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (31) Surah: Yā-Sīn
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara