Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (168) Surah: As-Sāffāt
لَوۡ أَنَّ عِندَنَا ذِكۡرٗا مِّنَ ٱلۡأَوَّلِينَ
167-170. Tunay na ang mga tagapagtambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah ay nagsasabi dati bago ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Kung sakaling nagkaroon tayo ng isang kasulatan kabilang sa mga kasulatan ng mga sinauna gaya ng Torah, halimbawa, talaga sanang nagtangi tayo para kay Allāh ng pagsamba." Sila ay mga sinungaling hinggil doon sapagkat naghatid sa kanila si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng Qur'ān ngunit tumanggi silang sumampalataya rito, kaya malalaman nila ang naghihintay sa kanila na pagdurusang matindi sa Araw ng Pagbangon.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• سُنَّة الله نصر المرسلين وورثتهم بالحجة والغلبة، وفي الآيات بشارة عظيمة؛ لمن اتصف بأنه من جند الله، أنه غالب منصور.
Kalakaran (sunnah) ni Allāh ang pag-aadya sa mga isinugo at mga tagapagmana nila sa pamamagitan ng katwiran at pananaig. Sa mga talata ng Qur'ān ay may isang dakilang balitang nakagagalak para sa sinumang nailarawang siya ay kabilang sa mga kawal ni Allāh, na siya ay mananaig na iaadya.

• في الآيات دليل على بيان عجز المشركين وعجز آلهتهم عن إضلال أحد، وبشارة لعباد الله المخلصين بأن الله بقدرته ينجيهم من إضلال الضالين المضلين.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay sa paglilinaw sa kawalang-kakayahan ng mga tagapagtambal at kawalang-kakayahan ng mga diyos nila sa pagliligaw sa isa man at may balitang nakagagalak para sa mga itinanging lingkod ni Allāh, na si Allāh, sa pamamagitan ng kakayahan Niya, ay magliligtas sa kanila mula sa pagliligaw ng mga naliligaw na tagapagligaw.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (168) Surah: As-Sāffāt
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara