Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (56) Surah: As-Sāffāt
قَالَ تَٱللَّهِ إِن كِدتَّ لَتُرۡدِينِ
Magsasabi ito: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nalapit ka, O kapisan, na magpapahamak sa akin sa pamamagitan ng pagpasok sa Apoy dahil sa pag-anyaya mo sa akin sa kawalang-pananampalataya at pagkakaila sa pagkabuhay na muli.
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• الظفر بنعيم الجنان هو الفوز الأعظم، ولمثل هذا العطاء والفضل ينبغي أن يعمل العاملون.
Ang pagkatamo ng kaginhawahan sa mga Hardin ay ang pagkakamit na pinakasukdulan, at para sa tulad ng bigay at kabutihang-loob na ito nararapat na gumawa ang mga gumagawa.

• إن طعام أهل النار هو الزقّوم ذو الثمر المرّ الكريه الطعم والرائحة، العسير البلع، المؤلم الأكل.
Tunay na ang pagkain ng mga mamamayan ng Apoy ay ang zaqqūm na may mga bungang mapait na kasuklam-suklam ang lasa at ang amoy, na mahirap lunukin, na nakasasakit kainin.

• أجاب الله تعالى دعاء نوح عليه السلام بإهلاك قومه، والله نعم المقصود المجيب.
Sumagot si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa panalangin ni Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pagpapahamak sa mga kababayan nito. Si Allāh ay kay inam na pinagsasadyaan na tagasagot.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (56) Surah: As-Sāffāt
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm. Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara