Check out the new design

Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm * - Indise ng mga Salin


Salin ng mga Kahulugan Ayah: (16) Surah: Ghāfir
يَوۡمَ هُم بَٰرِزُونَۖ لَا يَخۡفَىٰ عَلَى ٱللَّهِ مِنۡهُمۡ شَيۡءٞۚ لِّمَنِ ٱلۡمُلۡكُ ٱلۡيَوۡمَۖ لِلَّهِ ٱلۡوَٰحِدِ ٱلۡقَهَّارِ
Sa Araw na sila ay mga nakalantad na nakapagtipon na sa nag-iisang larangan, walang makakukubli kay Allāh mula sa kanila na anuman: wala mula sa mga sarili nila ni mga gawa nila ni mga ganti sa kanila. Itatanong: "Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito?" Wala ngayon kundi nag-iisang sagot: "Ang paghahari ay sa kay Allāh, ang Nag-iisa sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya; ang Palagapi na gumapi sa bawat bagay at sumailalim sa Kanya ang bawat bagay."
Ang mga Tafsir na Arabe:
Ilan sa mga Pakinabang ng mga Ayah sa Pahinang Ito:
• مَحَلُّ قبول التوبة الحياة الدنيا.
Ang pook ng pagtanggap ng pagbabalik-loob ay ang buhay na pangmundo.

• نفع الموعظة خاص بالمنيبين إلى ربهم.
Ang pakikinabang sa pangaral ay natatangi sa mga nagsisisi sa Panginoon nila.

• استقامة المؤمن لا تؤثر فيها مواقف الكفار الرافضة لدينه.
Ang pagkatuwid ng mananampalataya ay hindi naaapektuhan ng mga saloobin ng mga tagatangging sumampalataya na tumututol sa relihiyon niya.

• خضوع الجبابرة والظلمة من الملوك لله يوم القيامة.
Ang pagpapasailalim ng mga maniniil at mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga hari ay kay Allāh sa Araw ng Pagbangon.

 
Salin ng mga Kahulugan Ayah: (16) Surah: Ghāfir
Indise ng mga Surah Numero ng Pahina
 
Salin ng mga Kahulugan ng Marangal na Qur'an - Salin sa Wikang Filipino (Tagalog) ng Al-Mukhtasar fī Tafsīr Al-Qur’an Al-Karīm - Indise ng mga Salin

Inilabas ng Markaz Tafsīr Lid-Dirāsāt Al-Qur’ānīyah (Sentro ng Tafsīr Para sa mga Pag-aaral Pang-Qur’an).

Isara